Header Ads

Minahal Mo Ba Ako? : Chapter 9


"Ano bang drama yung ginawa mo kanina?!" pagtatanong ni Kim habang kami'y naglalakad papuntang warehouse.
Hindi ako umiimik.
"Huy! Ba't may palipat lipat ka pang nalalaman diyan?" sabi nito.
Hindi padin ako umiimik.
"Flincher, hindi mo ba talaga ako kakausapin?"
Hindi ko padin siya kinikibo. Lakad lang ako ng lakad.
"Sige, ipagpatuloy mo lang iyang hindi pagpansin saakin nang layasan kita dito!"
"Wow, dahil lang sa James na iyan eh wo-walk-outan mo ako?" sagot ko. "Sabi ko na nga ba eh, masaya ka talagang kasama iyang James na iyan kaysa saakin! Eh di magsama kayo ng James na iyan!"
"Ha? Anong sinasabi mo?!" pagtataka nito.
"Tinitignan ko kayong dalawa! Tuwang tuwa ka pa ngang kausap siya eh! Mas masaya ka pa ngang kasama siya kaysa saakin kaya hindi mo man lang ako inawat nung umalis ako sa table NATIN, di ba?"
"Ikaw kaya 'tong kusang umalis! Kaya nga tinatanong kita kung bakit ka nagkaganon kanina dahil hindi ko alam kung anong pumasok diyan sa utak mo't nagwalk-out ka eh!"
"NAGSESELOS AKO, OKAY?" pag-amin ko.
Patay. Umamin nga ba ako? Oo, umamin nga ako. Anong gagawin ko ngayon?!
Napanga-nga si Kim saakin.
"Anong sabi mo?" pagtatanong nito.
Hindi ako nakakibo kaagad.
"Nagseselos ka.. kay James?" pagtatanong nito.
Hindi ulit ako nakakibo.
"Flincher, hindi mo ba nahalatang.... bakla si James?" pag-usisa nito. "I-ikaw nga ang pinag-uusapan namin kanina eh. Kinikilig daw kasi siya nung katabi ka niya."
"H-ha?"
"Sabagay, sa unang tingin naman kasi'y hindi siya mapagkakamalang beki dahil hindi siya nagko-cross dress at lalaking lalaki padin ito magsalita." sabi nito. "P-pero bakit ka naman nagseselos sakanya?"
"H-ha? Ahh ehh wala yun!" garalgal na sagot ko. "Kalimutan mo na iyon!"
Ngumiti ngiti siya. Tinabig tabig ako habang kami'y naglalakad.
"Flincher, may hindi ka ba sinasabi saakin?" pagtatanong nito, pangiti ngiti.
"Ahhh eh.. Wala naman, i-ikaw b-ba?"
Ngumiti lang ito saakin.
"B-bakit ka ba nakangiti? A-anong meron?" pagtatanong ko, medyo kinakabahan. Napaka-awkward naman kasi ng sitwasyon ko ngayon.
"Wala. Wala yun." sagot nito. "Wala ka rin naman pala kasing gustong sabihin saakin eh. Haha. Tara punta na tayo sa warehouse, kailangan na nila ng tulong natin, haha!"
***
Nasa cafeteria kami ngayon nina Poncho habang kinekwento ko sakanila ang pagseselos ko kay James na hindi ko alam na may gusto pala saakin.
"Dude, it's a sign! Pagkakataon mo nang maka-score sakanya!" sabi ni Poncho, halatang excited para saakin. "Ano, may naisip ka na bang plano para ligawan siya?"
Hindi ako nakaimik. Wala kasi akong plano eh.
"Naku, kung ako yan pare, umamin ka nang may pagtingin ka sakanya." payo ni Eduardo. "Mahirap na, baka maagaw pa iyan ng iba. Ikaw din."
"Eh paano ko siya liligawan?" inosenteng tanong ko.
"Simple lang, sabihin mong may gusto ka sakanya." sagot ni Eduardo. "Duon mo malalaman kung may chance ka sakanya."
"Pwede ka rin namang magtanong kung pepwede mo ba siyang ligawan." payo ni Poncho. "Basta ang mahalaga eh magkaroon ka ng balls na tanungin siya nito. Eto kasi ang paraan para maka-advance ka sa next round ng panliligaw mo, pare."
Kinakabahan ako sa mga plano nila. What if hindi ito magwork-out? What if hindi magustuhan ni Kim ang panliligaw ko sakanya?
Tumawa bigla si Eduardo habang nakatingin saakin. "Pare, namumula ka na! Haha!" pambubuska nito.
Ramdam ko rin ang init ng aking mukha sa sobrang kaba. First time ko kasing aamin sa tunay kong nararamdaman sa isang babae eh. Baka kasi hindi ito magwork.
"Relax, pare! Haha!" sabi ni Poncho. "This weekend, mag-arkila tayo ng restaurant. Duon mo sabihin sakanyang gusto mo siya. Ano, ready ka na ba?"
"Pare, it's now or never!" sabi ni Eduardo. "Mas mabuti nang malaman mo kung mayroon kang chance sakanya o wala noh!"
Hindi ako kaagad nakaimik. Kaya ko ba 'tong pinapagawa nila?
"Ano pare, ready ka na ba?" pagtatanong uli ni Poncho.
"Anooo??! Magsalita ka-" putol na turan ni Eduardo.
"O-oo. Ready na ako." tarantang sagot ko.
"Yes!!" sigaw nila. Tuwang tuwang silang dalawa.
Tama ba ang naging desisyon ko?
***

Nasa loob ako ng warehouse. Napakaganda na ng pagkakaayos nito. Ilang araw nalang eh matatapos na ang pagkakagawa nito. Parang naging cafeteria ang ambiance sa loob nito, napaka-relaxing.
Kakaunti nalang ay fully furnished na ito. Hinihintay nalang namin nila Mang Ben ang inorder naming tv at couches para rito.
Kanina ko pa hindi makausap si Kim. Kanina pa kasi malalim ang iniisip nito, hindi ko tuloy siya makausap nang matino.
Gusto kong lapitan siya pero hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko kaya nagpatuloy nalang ako sa pagpipintura sa isang sulok.
Habang nagpipintura ay tinitignan tignan ko siya. Ilang minuto pa'y umupo ito sa isang sulok at umiyak. Ano ang nangyari sakanya?
Dali dali kong nilapitan siya.
"Kim, anong nangyari?" pagtatanong ko.
Hindi ito umimik. Patuloy ang pag-iyak nito.
"Kim.." sabi ko. "Uy...anong nangyari?"
Hindi parin ito umiimik.
Niyakap ko siya. Ayaw kong nakikita siyang umiyak nang ganito. Ano ba kasing nangyari sakanya?
Ilang minuto pa'y nagkwento na ito.
"Umalis na si Daddy saaming bahay." kwento nito, umiiyak iyak. "Hindi na daw namin siya makikitang muli. Sumama na siya sa kanyang kabit. Ang sakit sakit lang isiping mas pinili niyang sumama duon kaysa saaming pamilya niya."
Kinuha ko ang aking tuwalya sa aking bulsa't ipinahid ito sakanyang luha.
"Akala ko kasi, habang buhay na magiging buo ang aming pamilya eh. Hindi pala." sabi nito. "Akala ko kasi, maaayos nila ang kanilang relasyon, hindi pala."
"Kim... tahan na." sabi ko. "Naiintindihan kita. Pero hindi naman porke't lumayas ang iyong tatay eh ibig sabihin nun eh wala ka nang ama. Tatay mo parin siya't alam kong mahal na mahal ka parin niya bilang kanyang anak. Oo, maaring hindi nga nag-work ang relasyon nilang dalawa ng nanay mo, pero hindi naman ibig sabihin nun ay itinatakwil ka na niya bilang kanyang anak. Alam kong mahal ka parin nun at darating ang araw na magkikita kayong muli."
"Sana nga, Flincher." sabi nito, pilit na pinapatahan ang kanyang sarili. "Sana nga."
Niyakap niya ako nang mahigpit, tila naghahanap ng taong magpapagaan ng kanyang loob. Niyakap ko din siya.
"Salamat Flincher." sabi nito habang nakayakap saakin. "Salamat dahil nandiriyan ka para saakin. Salamat sa lahat lahat."
***
Ipinagpatuloy namin ni Kim ang pagpipintura sa mga natitirang mga sulok. Kakaunti nalang ay matatapos na namin ito.
Mas umaliwalas ang mukha ni Kim matapos siyang mag-confess saakin kaya nama'y masaya itong nagpipintura. Kukunin ko sana ang lata ng pampintura malapit sa tabi niya nang aksidente ko itong natapon sa kanyang paa.
"Sinadya mo talaga ito noh?" sabi nito, nanlilisik ang kanyang mga matang nakatingin saakin.
"Ahhh. Ehhh." yun lang ang nasabi ko. Patay, nagalit ata siya saakin. Anong gagawin ko?
Dumukot ito ng pintura sa lata at itinapon ito saakin. Tatawa tawa ito nang makita niyang may mga pinturang tumalsik sa aking mukha.
"So, gusto mo talaga ng ganito noh?" sabi ko sabay dukot ng pinturang itatapon sakanya. Tawa ako ng tawa ng natapunan ko din siya ng pintura sa mukha.
Hinabol habol niya ako sabay pahid ng pintura saakin mukha. Hindi ako nagpatalo kaya nama'y hinabol ko siya.
"Ayoko na! AYOKOOO NAAA! HAHAHHA!" sigaw nito sabay takbo palayo saakin.
Hinabol ko siya. Nang makuha ko siya'y niyakap ko siya nang mahigpit. Yung tipong hindi siya makakawala.
"Time first! Ayoko naaaaa! HAHAHAHHAHAHA!" sigaw nito sabay kagat saaking braso. Napigtal ang pagkakayakap ko sakanya sa sobrang sakit ng pagkakakagat niya.
Binelatan niya lang ako.
Biglang nagslo-mo ang lahat sa paningin ko.
Grabe, Kim. Kung alam mo lang kung gaano ka kaganda sa paningin ko.
Napangiti nalang ako sakanya.
Today, I realized that I really fell in love with her.

Continue Reading: Chapter 10





No comments