Header Ads

Minahal Mo Ba Ako? : Chapter 8



"HIII-BANG! HI-BAAANG! OOH BABY WHEN SHE MOVES, SHE MOVES!" kanta ng kanta si Eduardo habang iniaawat ko ang mga bouncer na kaladkarin siya.
"Kuya, ano bang ginawa ng kaibigan ko?!" pagtatanong ko sa isang bouncer.
"Umorder siya ng umorder ng alak na hindi naman pala niya mababayaran!" sagot ng bouncer. "Kung hindi niyo mababayaran ang mga alak na binili niya, ipapa-presinto namin 'tong kaibigan mo!"
"Ha? Teka lang! Ako nalang ang magbabayad!" sabi ko.
"SHE LOOKS LIKE A FLOWER AND SHE STINGS LIKE A BEEEE!" pagpapatuloy ni Eduardo sa pagkanta.
"Magkano ba ang dapat bayaran?" pagtatanong ko.
"3,500 lang naman." pasarkastikong turan ng bouncer.
"Sus, 3,500 lang naman pala eh!" sabi ko sabay kuha ng pera saaking bulsa. Iniabot ko iyon sa bouncer. "Oh, ayan!"
Binitawan na nila si Eduardo kaya nama'y ako ang umalalay rito. Nagmadali akong tawagan si Mang Ben para sunduin kami. Teka, nasaan ba si Poncho? Tinawagan ko ito.
"Hoy pare nasaan ka-" putol na sabi ko.
"Pare nasan na kayo?! Nagmamakaawa ako sayo, sunduin mo ako dito! Nasa Hotel Stefany ako ngayon, hindi ako makaalis kaagad dahil may nangyari saakin!"
"Ha? Anong nangyari sa'yo??"
"Long story pre. Basta sunduin niyo na ako dito please!" sabi niya sabay putol ng linya.
***
Nakita na namin kaagad si Poncho sa harap ng hotel kaya nama'y pinapasok na namin ito kaagad ng kotse. Naka-underwear lang ito. Ang masaklap pa eh buhay na buhay ang 'junjun' nito.
"Pare, anong nangyari sa'yo??" pagtatanong ko habang nadidistract sa kanyang 'junjun'.
"Dapat kanina ko pa nalaman ang tanga tanga ko talaga pare! Ex ko pala yung finu-flirt ko kanina! Hindi ko talaga siya namukhaan kanina kasi sobra niyang ganda pare!" pagkekwento nito. ""Naghiganti siya saakin. May pinainom siyang alak at pinatanggal niya ang damit ko except my underwear. Duon niya sinabing isa siya sa mga babaeng pinaglaruan ko dati kaya nama'y tuwang tuwa ito dahil ako naman daw ang mapaglalaruan niya. Tumakbo siya palabas ng aming kwarto, dala dala ang aking damit. Hinabol ko siya ngunit biglang tumigas ang aking 'junjun'! Duon ko napagtantong may hinalo pala siyang pampatigas ng 'junjun' sa alak na pinainom niya saakin."
Ipagpapatuloy pa sana ni Poncho ang pagkekwento nang biglang huminto ang sasakyan. Muntikan ko tuloy nahawakan ang 'junjun' ni Poncho.
"Ilayo mo ang 'junjun' mo sakin! Hahampasin ko yan!" pang-aaway ko.
"Flincher naman para ka namang hindi lalaki! Tumigil ka na nga diyan!" sabi ni Poncho.
"Yan, sa sobrang mong pagka-chikboy, yan tuloy napala mo!"pangangaral ko. "Alam mo, napakaepic talaga nitong naging plano mong 'to eh. Dapat hindi nalang ako nakinig!"
"HI-BANG! HI-BAAANG! Oh baby when she moves, she moves!" kanta ni Eduardo. Lasing na lasing ito.
Tuluyan kong nasampal sampal ang 'junjun' ni Poncho nang biglang tumigil ang sasakyan namin. Paano ba naman kasi, muntikan na akong mapadukdok dito sa sobrang liko ng taxi. Sigaw naman ng sigaw si Poncho.
"Aray! Bwisit ka nasasaktan ako!" sigaw nito. "Hoy tama na!"
Nang mahimasmasan na ako'y humingi ako nang paumanhin kay Poncho habang galit na galit akong tumingin kay Mang Ben.
"Manong naman! Hindi ka naman nasa karera kaya magdahan dahan ka naman sa pagda-drive!" pangalit ko sakanya.
"Ay pasensya na po sir." pagpapaumanhin nito.
"HI-BANG! HI-BAANG! OH BABY WHEN SHE MOVES, SHE MOVES!" pagkanta ni Eduardo sabay turo kay Mang Ben. "She looks like a flower and she stings like a bee.. She's a girl in history!"
Kung hindi lang ito lasing nakotongan ko na to kanina pa.
"Pare, hindi kami pwedeng umuwi muna sa bahay nang ganito ang itsura namin." sabi ni Poncho. "Pwede bang makitulog muna kami sainyo?"
"HI-BAAANG HI-BAANG!" kanta nanaman ni Eduardo sabay turo kay Poncho.
"Sige na, please?" pagmamakaawa ni Poncho.
"Eh ano pa nga bang magagawa ko?" sagot ko. "Oo na, pumapayag na ako."
"Salamat pare!" tuwang tuwang turan ni Poncho.
***
Nasa loob na kami ng mansyon ko ngayon. Pinatulog ko sila sa guest room namin. Pagkapasok na pagkapasok palang ng kwarto eh bumagsak na si Eduardo. Kailangan pa namin itong akayin para lang makahiga siya sa kama.
Hindi pa kami inaantok ni Poncho kaya nama'y nagpasya kaming kumain muna sa garden.
"Pare, salamat nga pala sa pagpapahiram saakin ng mga damit mo ha." pagpapasalamat ni Poncho. "Buti nalang eh nagkasya ito saakin. Haha!"
"Walang anuman, pare. Basta next time, hinding hindi na talaga ako sasama sa mga kalokohan mo! Haha!"
"Pero, nagsaya ka naman di ba?!" sabi nito. "Yun naman ang masaya, ang nagsaya tayo. Balang araw, hindi na natin magagawa ang mga bagay na ito. So, let's make the best out of it. Let's enjoy life while we're young. YOLO, ika nga."
"Well, may point ka rin naman." sabi ko. "At kahit na-high blood ako sainyo, nagsaya rin naman ako."
Ikinwento ko sakanya ang nangyari saakin sa bar kanina at ang pag-uusap namin ni Abby. Natuwa ito saakin dahil sabi niya, mas malaki na daw ang chance kong maging girlfriend si Kim. Dahil may 'balls' na daw ako.
***
"O ano Kim, ready ka na ba?" pagtatanong ko. Nasa loob na kami ng warehouse ngayon. Bumili na kami ng mga pintura't mga gamit para dito. Napagkasunduan naming gawin itong study place naming dalawa. Pwede din itong magsilbing lugar na pampalipas oras namin.
"Oo nalang. Haha" sagot nito.
Nagpintu-pintura na kami sa mga dingding ng warehouse na ito. Kasama namin si Mang Bernie at aking mga kasambahay sa pag-aayos dito. Nakakatuwa dahil tulong tulong kami para mapaganda ang lugar na ito.
Bumili din ako ng mga bagong gamit katulad ng mga silya't upuan. Bumili din ako ng tv para may mapaglibangan kami. Pumayag din kasi si Kim na imbitahan ang aming mga kaibigan dito sa lugar na ito.
"Flincher, kain muna tayo!" sabi ni Kim, tila napapagod.
"Sige, kain nalang tayo sa fastfood malapit dito." pagpayag ko. "Tara!"
***
"Hinay hinay lang sa pagkain! Haha!" sabi ko.
"Grabe! Pagod na pagod ako sa pagpipintura! Haha!" sagot ni Kim. "Sana talaga'y maganda ang kalabasan ng paghihirap natin."
"Gaganda yan!" sabi ko. "Tulad mo... maganda."
Ngumiti ito "Binobola mo ba ako?"
"Hindi ah!" sagot ko sabay ngiti.
Moment ko na sana iyon upang magpakitang gilas nang may isang lalaking tumapik kay Kim.
"Oy Kim!" sabi nito.
Nakilala kaagad ni Kim ang lalaking ito. Kaklase niya pala yun sa isang subject. James ang pangalan nito.
"James! Haha!" sabi ni Kim. "Oh sino ang kasama mo?"
"Ahhh, wala nga eh. May ginagawa kasi akong project sa school kaya nama'y kahit weekend eh pumapasok ako. Kaya ayun, mag-isa akong kumain, haha!"
"Ayy ganun ba? Sumabay ka nalang saamin kumain!" sabi ni Kim sabay pagpapakilala saakin. "James, siya nga pala si Flincher, kaibigan ko."
"Hi Flincher!" sabi nito sabay upo sa silyang nasa tabi ko.
"Hi." sabi ko, walang kaemo-emosyon.
"Oh kamusta naman yung project na ginagawa mo, James?" pagtatanong ni Kim. "Anong klaseng project ba kasi 'yon?"
"Ever heard of the ball night? Ginaganap kasi iyon lagi tuwing matatapos na ang school year. Pinaghahandaan ito ng todo kaya nama'y kahit first sem palang eh inaayos na namin ito. Kaming mga second year multimedia arts students ang inassign sa mga video programs nito."
"Ayyy ang saya naman! Bakit wala kaming participation duon?" pagtatanong ni Kim.
"Kasi mga freshmen kayo. Kayo at ang mga mag-gagraduate kasi ang espesyal para sa gabing iyon eh. Hindi pa ba ito nadi-discuss sainyo?"
"Hindi pa eh."
"Ahh kaya pala, siguro dahil masyado pang maaga, haha." sabi nito sabay tingin saakin. "Kamusta naman ang pagiging freshmen?"
Hindi ako nakaimik.
"Kim, shy type ata 'tong kaibigan mo noh?" sabi niya kay Kim.
"Hindi ako shy type. Hindi lang talaga ako nakikipag-usap sa mga taong katulad mo na ang lakas makipag-feeling close!" sagot ko.
"BUUUURN! HAHA!" sabi nito, patawa tawa. "Ang suplado mo naman! Ayaw mo yata akong kasama dito eh. Sige, lilipat nalang ako ng table."
"Wag!" sabi ni Kim. "Pabayaan mo lang 'yan si Flincher. Ganyan lang talaga iyan, haha!"
"Fine. Ako nalang ang lilipat ng table." sabi ko.
Hinihintay akong awatin ni Kim pero hindi niya ako inawat. Nakakaasar talaga! Wala tuloy akong choice kundi lumipat talaga ng table.
Nakatingin ako sakanilang dalawa. Tuwang tuwa silang nag-uusap. Nakakaasar!

Continue Reading: Chapter 9
Table of Contents



No comments