Header Ads

Minahal Mo Ba Ako? : Chapter 7



"Oh tapos anong nangyari pare?" pagtatanong ni Poncho. As usual nasa cafeteria kami ngayon habang pinagkekwentuhan namin ang storya ng lovelife ko. "Yun lang? Wala nanamang holding hands while walking o di naman kaya'y kiss? Pare naman oh! Kailan ka ba magpapa-pogi points sakanya?"
"At pinahalata mo pa sakanyang kabadong kabado ka sa pagsagot sa mga tanong niya." sabi ni Eduardo. "Pare, kailan ka ba magme-make ng move sakanya?"
"Mga tol, lahat na naman ginagawa ko ah!" depensa ko. "Ano pa bang mali sa ginagawa ko? Eh lahat na nga ng mga tip na sinabi niyo saakin, ginawa ko na eh! Kahit ayaw ko nga magsuot ng mga ganitong baduy na mga damit, sinuot ko padin para lang maka-pogi points ako kay Kim eh! Ano pa bang kulang sa ginagawa ko?"
"Asan na ang Flincher na mahangin? Bakit parang nawala ata? Haha!" pamimikon ni Eduardo.
"Dude, stop! Hindi ako nagbibiro!" sabi ko.
"Oo nga, sabihin na nating nagbago ang get-up mo. Pero kung hindi mo naman sasabayan ng right attitude, hindi ka padin nakaka-pogi points kay Kim." sabi ni Poncho. "We'll teach you how. Free ka ba bukas ng gabi?"
"Uhm, oo. Wala naman akong gagawin pero saan naman tayo pupunta? Alam niyo namang hindi tayo pwedeng magpagabi at may pasok pa tayo kinabukasan!" sagot ko.
"Nako Flincher, kinabukasan mo ang nakasasalay dito. Este, kinabukasan niyong dalawa ni Kim. Ayoko mang maging bad influence sa'yo ngayon pero kailangan mo din kasing magkaroon ng kakaunting balls paminsan minsan, hindi yung puro salita ka lang." sabi ni Poncho. "Kaya, kung ako saiyo, papayag ka na sa kung saan man tayo pupunta bukas, okay?"
Hindi ako nakaimik.
"Ano? Papayag ka ba o hindi?"
Tumango nalang ako.
"Trust me, this time, matututo kang maka-score diyan sa Kim na iyan." sabi ni Poncho sabay ngiti saakin.
Ano kaya ang gagawin namin bukas ng gabi?
***
Naghahanda na ako ng mga damit ko para mamayang gabi. Hanggang ngayon, hindi padin saakin sinasabi ni Poncho kung saan kami pupunta.
Habang ako'y naghahanap ng magandang damit na isusuot, napatingin ako sa mga larawang nakasabit saaking kwarto. Nakangiti ako sa mga ito, mukhang masaya. Habang tinitignan ko ang mga iyon, hinihiling ko na sana nagkaroon ako ng kinalakihang pamilya. Sana may kasama ako sa mga larawang iyon. Sana hindi ako mag-isa.
Siguro, tama nga ang sinasabi nila saakin. Isa ako sa mga taong mayabang na wala namang maipagyayabang. Akala ko kasi, matatanggap ako ng mga tao kung nakikita nila ang mga akala kong gusto nilang makita saakin. Makita sa isang lalaki. Gwapo, madaming chiks, matangkad, maputi, 'cool' kumbaga. Pero inaamin ko namang hindi ako ang taong iyon eh. Inaassume ko lang na may katangian akong ganun dahil alam kong iyon ang paraan para matanggap ako nila, para mahalin nila ako, para gustuhin nila akong maging kaibigan. Dahil gustong gusto kong magkaroon ng mga kaibigan. Gusto kong kahit yun lang, maranasan ko naman.
Buti nalang, mayroong dalawang taong nagtiyaga sakin. And I'm so happy na nakilala ko sila. Nakakilala ako ng mga totoong kaibigan.
Nag-ring ang aming doorbell kaya'y nagmadali akong tignan ang cctv sa labas ng aming masyon. Nandito na pala sina Poncho. Tinawag ko si Mang Ben.
"Mang Ben! Papasukin niyo na ang ating mga bisita!" utos ko.
"Sige po, sir."
Binuksan ni Mang Ben ang gate namin. Sinalubon ko sila.
"Pare! Ngayon lang kami nakapasok sa bahay niyo, napakalaki pala nito!" sabi ni Poncho na tila namamangha.
"Correction, mansyon ang tawag dito." pang-aasar ko.
"Pero bakit ganun? Parang hindi naman bagay sa'yo 'tong mansyon na ito? Haha!" pang-aasar ni Eduardo. "Mas bagay saamin ni Poncho 'to. Pag kami ang nakatira nito, daig pa namin ang mga gwapong nasa koreanovela."
"Wag mo ngang ikumpara 'yang mukha mo sa mga bida sa koreanovela, Eduardo. Wag kang masyadong mangarap ng gising!" bwelta ko.
"Stop it guys!" pagsaway saamin ni Poncho. "Ano guys, handa na ba kayo sa ating pupuntahan?"
"Oo na." sagot ko. "Oo nalang. Haha."
"Well then tara na!" sabi ni Eduardo.
***


Nasa loob kami ngayon ng isang bar, nakaupo't hinihintay ang aming mga drinks. Hindi ko alam kung anong ipapagawa saakin nila Poncho dito.
"Akala ko naman kung saan tayo pupunta, sa bar lang naman pala! Eh naka-ilang beses na tayong pumunta sa mga bars ah?" pagrereklamo ko.
"Oo nga. Pero ni minsan, hindi ka nakipagkaibigan sa mga taong nandirito. Hindi ka nakikipag-usap sa mga chiks. Oo, may times na nakikipag-usap ka pero wala ka namang ginawa kundi yabangan sila kaya natu-turn off ang mga ito sa'yo. Hindi ka kasi marunong mag-start ng magandang conversation eh." sabi ni Poncho. "At yun ang dapat mong matutunan, Flincher. Hindi pepwedeng kung sino lang ang kakilala mo, sila sila lang ang kakausapin mo. Sila lang ang makakakila ng tunay mong ugalli. Go out and have some fun and be who you are, maging confident ka lang sa sarili mo. Minus ang pagyayabang, okay?"
"Eh di ba nga do not talk to strangers??" depensa ko. "Bakit ko naman silan kailangang kausapin eh hindi ko naman sila kilala noh!"
"Yan. Yan ang problema eh." sabi ni Eduardo. "Ayaw mo lang i-admit pero hindi ka talaga marunong makihalubilo sa iba. Paano ka makaka-"the moves" diyan kung hindi ka matututong magpapogi sa mga chiks? Paano ka sasagutin ni Kim niyan kung ganyan ka? Haha!"
"Kaya, ang challenge namin sayo eh makipag-usap sa isang babae sa loob ng club na ito." utos ni Poncho. "Kapag nagawa mo iyan, magiging proud kami sa'yo."
Hindi ako makaimik kaagad. Kinakabahan kasi ako sa gagawin ko eh. Nahihiya kasi ako.
Pero bahala na. Basta susundin ko nalang ang sinabi nila saakin. Sana nga lang eh may mapala ako sa gagawin kong ito.
"Ano na pre? Haha! Suko ka na ba?" pang-aalaska ni Eduardo. "Hindi pa nga tayo nagsisimula eh parang aatras ka na eh. Haha!"
"Sus, ako pa ba ang hinamon mo? Haha!" sabi ko.
"Gawin mo ang hamon namin sa'yo hindi 'yang puro satsat ka lang! Haha" pang-aasar ni Poncho sabay hatak saakin papuntang dancefloor. "Halika na!"
"Pare, mamaya nalang tayo makisayaw!" sabi ko.
"Bakit? Hindi ka ba ready? Haha!" pang-aasar nito sabay hatak saakin sa dancefloor. Itinulak niya ako papalayo sakanya na naging dahilan upang ako'y matumba sa isang babae.
Namula ang aking mukha. Nahihiya nanaman ako. Nakangiti saakin ang babaeng iyon, nagsayaw sa harapan ko. Gosh, anong gagawin ko?!
Paunti-unti akong sumayaw sa harapan niya nang binulungan ako ni Eduardo. Sumunod pala ito saamin.
"Pare, wag kang mag-tinikling dito. Nakakahiya!" bulong niya. Binatukan ko siya't lumayo sakanya. Naghanap nalang tuloy ng ibang makakasayaw ang babaeng nasa harap ko kanina.
Ngayon ko lang na-experience ang sumayaw sa isang dancefloor kaya nama'y na-o-awkward-an ako. Feeling ko kasi, pagtatawanan ako ng mga tao dito kapag ako'y sumayaw. Ako nga mismo pinagtatawan ko ang sarili ko, sila pa kaya?
Habang ako'y parang nilalamon na ng hiya, para namang tuwang tuwa si Poncho sa isang gilid ng bar. May kausap kasi itong babae. Napaka-playboy talaga nito kahit kailan. Siya ang pinakamagaling sa mga babae saaming tatlo kaya kahit napaka-imposible ng mga advice niya saakin minsan, sinusunod ko nalang dahil alam kong maaring epektibo ang mga iyon.
Nasa kabilang gilid naman ng bar si Eduardo, may mga kausap na chiks. Inom nang inom ito ng alak. Nako, nagyayabang nanaman ito. Madalas kaming mag-asaran dahil magkapareho kami halos ng ugali eh, isa na duon ang pagiging mayabang at pabida.
Hindi ko talaga kayang mag-stay sa dancefloor kaya naisipan ko nalang na maghanap ng babaeng makakausap sa labas nito. Too bad dahil parang lahat naman ng mga babae eh occupied na. Ako na talaga ang dakilang loner.
Lumabas nalang ako sa bar, naiingayan na kasi ako eh. Mas pinili kong makapag-relax muna ng isip. Habang nakatulala sa isang gilid, may nakita akong babaeng umiiyak sa isang gilid. Ano kaya ang dahilan kung bakit ito umiiyak? Ano kaya ang nangyari sakanya? Na-curious tuloy ako't nilapitan ko siya. Ito na din ang pagkakataon para magawa ko ang challenge ni Poncho saakin.
Kinuha ko ang aking panyo saaking bulsa sa ibinigay iyon sa babae. "Miss, take this. Please wipe your tears."
Tumingin ang babaeng ito saakin. Maganda siya. Yun nga lang, halata mo ang lungkot sa kanyang mga mata.
"Thank you." pagpapasalamat nito sabay kuha ng panyo. Pinunasan niya ang kanyang luha.
"Miss, bakit ka umiiyak? Well, you should have fun right? Kaya tayo nandito sa bar ngayon eh para magsaya kaya please don't cry, okay?" sabi ko. "Maari mo bang ikwento saakin ang dahilan kung bakit ka umiiyak? Wag kang mag-alala, your secret is safe with me."
Ngumiti nalang ito. "Hayyy. I don't know where to start eh. Actually, hindi naman talaga ako dapat pupunta dito, hinatak lang ako ng mga kaibigan ko. Sinama nila ako dito para makalimutan ko naman ang problema ko kahit minsan lang."
Nakatingin ako sakanya the whole time. Ngayon ko lang siya nakilala pero damang dama ko ang nararamdaman niya.
"Bakit ba napaka-komplikado niyong mga lalaki?" pagtatanong nito. "Bakit ba kailangan niyo kaming pahirapang mga babae? Ang galing galing niyong magpahulog ng loob tapos kapag mahal na namin kayo, iiwan niyo lang kami basta basta. Bakit ba kasi kayo ganun?"
Umiiyak nanaman ito.
"Miss, hindi naman lahat ng lalaki eh ganun." sagot ko. "Actually, kaya nga ako nandito eh para sa babaeng gusto ko. Hindi ko kasi alam kung paano sasabihin sakanyang gusto ko siya kaya nama'y humingi ako ng payo sa aking mga kaibigan. Kaya nila ako dinala dito. Para daw matuto akong makipag-interact sa mga girls. Eh ikaw, ano naman ang dahilan kung bakit pa isinama dito ng iyong mga kaibigan?"
"Ngayon ko lang kasi nalaman na nabuntis ako ng isang taong hindi ako kayang ipaglaban." pagkekwento niya saakin. "Worst part eh bigla nalang siyang nawala ng parang bula. Hindi ko man lang siya matext o matawagan. Hindi ko tuloy masabi sakanyang ama na siya. Napakasama ng loob ko sakanya ngayon. Pero alam mo kung anong mas masakit? Hindi ko siya kayang kamuhian. Mahal na mahal ko siya. "
Hindi na niya mapigilang umiyak.
"Hindi ko din kasi siya masisi. Mahirap din kasi ang pinagdadaanan namin ngayon. Napaka-komplikado kumbaga." pagpapatuloy nito sa pagkwento. "Kung mayroon akong isang bagay na natutunan sa pangyayaring ito, iyon ay hindi ka dapat matakot iparamdam sa taong mahal mo na mahal mo siya. Kaya, kung mahal mo talaga iyang babaeng kinekwento mo saakin kanina, wag mong aksiyahin ang oras mo. Iparamdam mo sakanya kung gaano mo siya kamahal at i-reassure mo siya ng pagmamahal na iyon."
Makikipag-usap pa sana ako sakanya nang may isang lalaking lasing na ipinalabas ng bouncer sa bar. Kanta ito ng kanta. Laking gulat ko nang makita kong si Eduardo ang ikinakaladkad nila palabas.
"Kaibigan mo ba iyon?" pagtatanong niya, nahalata niya ang pagkagulat ko.
"Oo. Ano naman kayang ginawa nun??" sagot ko.
"Sige, puntahan mo na siya. Salamat nga pala sa munting pag-uusap natin."
"Ako ang dapat magpasalamat sa mga advise mo." sabi ko sabay ngiti. "By the way, my name is Flincher. And you are?"
"Abby. My name is Abby."

Continue Reading: Chapter 8




No comments