Header Ads

Minahal Mo Ba Ako? : Chapter 6



Tapos na kaming bumili ng mga damit nila Eduardo. I admit na hindi ako sanay na magsuot ng mga damit na binili nila saakin. Mahilig kasi talaga ako sa mga shiny clothes eh, feeling ko kasi instant celebrity ako kapag gamit gamit ko ang mga iyon.
Binilhan nila ako ng mga polo't iba't ibang plain shirt. Binilhan din nila ako ng iba't ibang set of jeans. I must say na malaking pagbabago sa lifestyle ang ginagawa ko ngayon.
Sana, gumana kay Kim ang plano naming ito. Sana, magwapuhan siya saakin.
Teka, bakit ba ako nagkakaganito? Bakit ko ba kailangan ng reassurance na gwapo ako eh gwapo naman talaga ako! Gwapo nga ba ako? Oo, gwapo ako! Anong nangyayari saakin? Bakit parang biglang nawawala ang confidence ko?
"O pare, pagkatapos nating bumili ng clothes mo, it's time for us to visit a hairstylist! Tara na!"
Ano kayang mangyayari saakin ngayon?
***
Nasa garden ako ngayon ng aming mansyon nang bigla akong tinawagan ni Mang Ernie upang sabihin saakin nabili na nila ang warehouse na pinag-usapan namin ni Kim. Madali lang namin itong nabili dahil plano na din pala talaga ng may-ari na ipagbenta ito.
Natuwa ako nang malaman ko iyon kaya dali-dali kong tinawagan si Kim para sabihin sakanya ang Kim para sabihin sakanya ang maganda balitang iyon.
"Kim!" sabi ko sakanya.
"Oh, ano yun?"
"Nabili ko na ang warehouse na pinupuntahan mo! Haha!" sabi ko, tuwang tuwang ipinagmayabang na nabili ko na ito. "Pwede ba tayong pumunta duon this Saturday?"
"Grabe ka talaga! Haha! Ilang araw lang ang nakalipas, nabili mo na agad iyon." sabi niya, manghang mangha sa nangyari. "Osige, kita tayo doon this Saturday."
"Good! Maari na natin itong i-renovate agad agad!" sabi ko.
"Flincher, may favor lang sana ako sa'yo."
"Ano yun?"
"Maari mo ba akong samaha bukas? Kailangan ko kasing mag-take ng pictures sa isang park para sa project namin sa photography."
"Ahhh sige, sure!" sagot ko. "See you mga 5:00, after class?"
"Osige. Kita nalang tayo sa labas ng school ha?"
"Sure!" sagot ko.
Ano kayang magiging reaksyon niya sa bago kong look? Bakit ba ako kinakabahan ngayon?!
Tinignan tignan ko ang aking mukha sa harap ng salamin. Okay lang ba talaga ang pagkakagupit ng buhok ko? Okay lang ba ang pananamit kong ito?
Sana naman, maging maayos ang lahat.
Sana naman, matanggap niya ako.
***
Pagkapasok na pagkapasok ko palang ng university eh halos lahat na ng tao ay nagtitinginan saakin. Nakangiti ang mga ito. Marami ang parang nagulat sa bago kong look. Okay lang ba mukha ko ngayon o pinag-tripan lang ako nila Poncho? Bakit ba parang nawawala ang confidence ko?! Badtrip naman oh!
Tapos na ang klase namin, hinihintay ko nalang si Kim sa labas ng aming university. Ilang minuto lang ang nakakalipas ay nakita ko na siya.
"Flincher! Ikaw ba talaga iyan?!" pagka-mangha nito. "Oh my! Grabe transformation mo ah! Haha!"
Hindi ako kaagad nakapag-salita. Sa totoo lang, na-flatter ako sa sinabi niya. First time kong naramdaman ito.
"Oh my! Pwede ka naman palang maging tao eh! Hahahah!" pang-aasar nito. "Anong nakain mo't bakit ka nag-ayos? Hhahaha!"
"Pupunta ba tayo sa kailangan nating puntahan o aasar asarin mo lang ako?"
"Eto naman! Nagbago lang ng get-up eh hindi na mabiro! Haha!" sagot nito. "Osiya, pumunta na tayo sa park para hindi na tayo gabihin!"
***
Nasa boat ride kami ngayon. Ngayon lang ako nakapunta sa park na ito. Infairness, maganda naman pala dito kahit mura lang ang entrance fee.
Nakatingin ako kay Kim habang siya'y kumukuha ng mga litrato gamit ang kanyang DSLR. Masaya akong kasama ko siya. Masaya akong nakilala ko siya.
"Oh ayan!" sabi niya, tuwang tuwa. "Tapos na akong mag-picture! Haha! Buti nalang, magaganda ang mga kuha ko kundi patay talaga ako sa prof ko. May pagka-terror kasi iyon eh!"
Hindi ako umimik. Nakatitig lang ako sakanya.
"Alam mo, ngayon ko lang napagtantong mahirap din pala ang course na journalism." pagkekwento nito. "Akala ko kasi dati eh magsusulat sulat ka lang ng iba't ibang kwento't articles eh. Hindi pala."
"Bakit ba kasi iyan ang kinuha mong course?"
"Eh kasi ito ang passion ko eh. Kaya, kahit minsa'y nahihirapan ako, okay lang. Gusto ko naman kasi ang ginagawa ko eh. Eh ikaw? Ano nga palang course mo?"
"Mass-Comm ako. Mas komportable sa bahay. Haha!" sagot ko. "Actually, hindi ko nga alam kung anong dahilan bakit ito ang napili kong course eh. Siguro, I want my voice be heard kaya ganun."
"Ahhh. Masaya ka naman ba sa course mo?"
"Oo naman!" sagot ko. "Masaya ako kasi kung saan saan ako nakakapunta, haha!"
"Edi good! Pareho tayong masaya sa mga course natin! Haha!" sabi nito sabay tingin sa kaliwang bahagi ng bangka. Kinilig ito nang may makita siyang dalawang matandang nagkiss.
"Ayyyy! Ang cute nila noh!" sabi nito, kilig na kilig. "I wish na kung magkakaroon man ako ng lovelife, magiging ganito kaming dalawa. Tatanda kaming nagmamahalan, haha."
"Pwede naman nating gawin iyon eh." pabulong kong turan.
"Ano?"
"Wala. Wala naman akong sinasabi eh." depensa ko.
"Anong wala?! Wag kang magsinungaling diyan! Narinig kong may sinasabi ka!"
"Wala nga kasi!"
"Wag mo kong gawin tanga, Flincher! May sinabi ka!"
"Wow, tanga na agad? Haha!" pangungulit ko. "Oo na, may sinabi na ako. Sabi ko, posible naman yun eh."
Napangiti ito. "O di ba? May sinabi ka nga! Haha!"
"Oo na, tama ka na!"
"Good!" sabi nito sabay ngiti. "Flincher, naranasan mo na bang mainlove?"
"Bakit naman?"
"Basta sagutin mo nalang ang tanong ko, okay?"
"Oo naman! Ano ang tingin mo saakin? Walang pakiramdam? Grabe ka talaga!"
"That's not what I meant, alam mo yun." pagpapaliwanag niya. "Alam mo ba, nung una kitang nakita, para kang nagfi-feeling brusko kahit hindi naman talaga. May pagka-bondying ka kaya maglakad, haha! Kaya ka pinagtatawanan ng iba minsan eh, kasi iba ang kilos mo sa nakikita sa'yo ng tao."
"Grabe ka talaga saakin!" sabi ko, tila naasar. "Anong bang gusto mong sabihin? Ha?"
"Pero, alam mo, mas natuwa ako nung nakilala kita." sabi nito sabay ngiti. "Duon ko nalamang namimis-understood ka lang pala ng mga tao."
"What do you mean?"
"What mean is you are good just the way you are, Flincher." sagot nito. "Hindi mo naman kailangang magpakayabang diyan para masabing 'cool' ka. You are cool in your own way naman eh. You just need to be yourself."
Hindi ako nakaimik kaagad.
"So, tatanungin kita ulit. Na-inlove ka na ba?"
"Actually... ngayon lang." pag-amin ko.
"Ano?!!"
"Ahh wala. Wala yun!" pagbawi ko saaking sinabi. "Ang gusto kong sabihin eh ngayon ngayon ko lang naranasang ma-inlove."
"Ahh eh, anong nangyari?" pag-usisa nito. "Wait.. ibig sabihin may nililigawan ka ngayon?"
"Uhmm.. Oo?"
"Tapos sumasama ka saakin?! That's unfair naman sa babaeng nililigawan mo! Hindi pa nga naging kayo eh ganyan ka na, paano pa kaya kung sinagot ka niya!"
"Ha?" sabi ko, naguguluhan sakanya. "Hindi, hindi! Wala akong nililigawan noh!"
"Ano ba talaga? Meron o wala?"
"Wala nga! Wala akong nililigawan ngayon."
"Eh bakit sabi mo kanina, may nililigawan ka?"
"Akala ko kasi, may nililigawan ako eh, wala naman pala."
"What do you mean?"
"Ay nako, wag mo nang usisain!" sabi ko. "Ikaw naman, nainlove ka na ba?"
Hindi ito kaagad nakaimik.
"Ano? Na-inlove ka na ba?" pag-ulit ko sa pagtanong.
"Oo naman." sagot nito. "Naramdaman ko na rin naman ang ma-inlove. Pero, mas nararamdaman ko ang takot eh. Takot akong mainlove."
"Bakit naman?"
"What if, hindi kami magwork-out? What if, nag-invest lang ako ng feelings sakanya, only to find out na at the end of it all, magbe-break lang din naman kami? What if saktan niya lang ako?" pag-explain nito. "And most especially, what if maging katulad kami ng mga magulang ko?"
"Napaka-nega mo naman!" sabi ko. "Eh what if kaya ka nandito ngayon eh para makilala mo kung sino ang taong destined para sa'yo? What if, pinakilala na ng tadhana kung sino ang mamahalin mo habang buhay at kailangan mo lang buksan ang iyong mga puso para maramdaman mong gusto ka din niya."
"Anong ibig mong sabihin?"
"All I'm trying to say eh marami talagang negative 'what ifs' na maari mong ma-compose kung puro negative ang iisipin mo." pagpapaliwanag ko. "Pero if you'll look into the brighter side, marami ka ring makikitang posite 'what ifs'. It really depends on your perception in love."
"Ang lalim naman nun!" sabi niya. "Pero.. it makes sense din naman. Siguro, hindi lang talaga ako ready na mainlove."
Hindi daw siya ready mainlove. Naku, may chance pa kaya ako sakanya? Ano kaya ang gagawin ko para mainlove siya saakin?
"Pero, if ever ba na makilala mo na ngayon ang 'right one' for you, okay lang ba saiyong mainlove?" pagtatanong ko.
"Hindi ko din alam." sagot nito. "Tyaka ko na iyan pag-iisipan kung nandiyan na siya."
So, pag-iisipan niya? Ibig sabihin may chance parin! Haha! Ang tanong, ano kaya ang dapat kong gawin para malaman niyang ako ang the 'right one' para sakanya?
Siguro, kailangan muna naming maging super close sa isa't isa.
"Oy Kim, wag mong kakalimutan ha!" sabi ko.
"Na ano?"
"This Saturday, remember?"
"Oo na! Haha!" sagot nito. "Halata kamong excited na excited ka! Haha!"
"Oo naman! Excited na kaya akong i-make over natin iyon?"
"Ay, bading na bading ang paggamit mo sa salitang 'make-over'. HAHAHAHA!"
"Grabe talaga 'to saakin!"


Continue Reading: Chapter 7



No comments