Header Ads

Minahal Mo Ba Ako? : Chapter 5



Hindi ko alam kung matutuwa ako o maasar sa babaeng ito. Kanina pa kasi siya nakikipagdebate saakin eh. Lahat nalang ng sasabihin ko, may pangbara siya. Buti nalang cute siya, kundi kanina ko pa siya winalk-out-an.Sa gwapo kong 'to, hindi ako basta bastang pumapayag barahin noh!
Naka-upo kami sa isang sulok ng park. Maggagabi na kaya nama'y unti unti nang nagsusulputan ang mga stars. Napakaganda nitong pagmasdan.
Bumili kami ng panlatag sa damuhan at kami'y humiga.
"Ang ganda pagmasdan ng mga bituin noh?" sabi ni Kim. "Ano kayang ginagawa nila Adora at Eliseo ngayon if ever na buhay pa ang mga ito? Nakikita rin kaya tayo nila rito?"
Hindi ako umiimik.
"Ano na kayang nangyayari sakanila ngayon?" pagtatanong nito.
"Maybe, this is the time for you para dugtungan ang kwento nila, di ba?"
"Ano namang idudugtong ko duon? Eh pati tayo'y hindi natin alam hindi natin alam kung anong klaseng balon sila itinapon. At isa pa, parang mas mabuti na ding maging ganun ang ending ng story nila. Atleast, buhay man sila o patay, alam nating ang storyang nila ay ang storya ng tunay na pag-ibig na wala ng hanggan."
"Ang lalim naman nun!" pang-aasar ko. "Pero on a serious note, bakit mo ba nasulat ang kwentong iyon?"
"Ewan ko." sagot nito. "Feeling ko kasi, masasabing totoo ang pagmamahalan ng isang magkasintahan kung handa kayong magsakripisyo para sa kapakanan ng bawat isa. Katulad ng nangyari sa mga kaibigan kong sina Roy at Karen, kailangan pa talaga nilang magtago sa kanilang mga magulang at maglive-in para lang mapatunayan nilang nagmamahalan talaga sila."
"Bakit? Anong nangyari?"
"Masyado kasing strikto ang mga magulang ni Karen. Hindi nila ito pinapayagang magkaroon ng boyfriend dahil ayaw daw nilang mabuntis nang maaga ang kanilang anak. Ayaw daw nilang matulad ito sakanila na naging magulang na sa murang edad."
"Eh may punto naman pala ang magulang niya eh. Bakit siya sumuway?"
"Hindi naman sa kinukunsinti ko ang ginawa ni Karen pero minsan kasi, mahirap ang masyadong pinaghihigpitan eh. Para kasing wala kang kaparatang gawin ang iyong gusto. Para kasing nakakahon ka lang sa hawlang gustong gusto mong kumawala. Kaya siguro, ayun, gusto niyang ipakita sa kanyang mga magulang na tama ang kanyang naging desisyon."
"Wow. Kung magsalita ka, parang ikaw si Karen ah! May pinaghuhugutan ka din ba diyan? Haha!"
Hindi ito kaagad nakaimik, nakatingin lang ito sa mga bituin na tila may iniisip.
"Ikaw Flincher," pagtatanong nito. "Ano ang nararamdaman mo kapag tinitignan mo ang mga bituin?"
"Ako?" pagtatanong ko, tila naghahanap ng maisasagot. "Hindi ko alam eh. Siguro.. natutuwa ako dahil nirere-assure ako nitong hindi lang ako ang tao sa mundo. Pinaparamdam nito saaking mayroon akong mapagbubuntunan ng galit.. ng problema. Nakakatuwa silang pagmasdan dahil parang sinasabi nila saaking nandiyan lang sila't handang makinig."
Napa-upo bigla si Kim, napatingin saakin.
"Flincher, may problema ka bang gusto mong sabihin saakin?" pagtatanong nito. "Come on, maybe I can help."
Hindi ako nakaimik. Hindi ko din naman alam kung ano ang sasabihin ko.
"Okay, gusto mo bang ako ang maunang mag-share ng storya ko para naman guminhawa ang loob mo't maging panatag ang loob mo saakin?"
"Sige."
Humiga ito. Bumuntong hininga.
"Hayyy, long story. Hindi ko alam kung paano ko papaiksiin ang storya ng buhay ko pero sige, kwekwento ko nalang din. Basta promise mo, hindi mo ito ipagkakalat sa iba ha!"
"I promise."
"Masyadong magulo ang aming pamilya ngayon. Nag-aaway kasi ang aking mga magulang. Lately kasi ay nalaman ng aking nanay na may anak sa iba ang aking tatay. Matagal na pala niya ito tinatago saamin. Matagal na niya kaming niloloko." pagke-kwento nito. "Kaya pala tuwing magpapasko ay bigla bigla nalang itong nawawala. Sasabihin nalang niya saaming mayroon siyang kailangang asikasuhin sa trabaho, hindi namin alam na pumupunta pala siya sa kabit niya."
"Teka, paano niyo nalaman ang lahat ng ito?"
"Nakita mismo ng aking nanay na may kasamang batang lalaki ang aking tatay. Nagtaka siya kaya sinundan niya ito, narinig niya nang pahapyaw ang usapan ng dalawa't nagulat nang tinawag ng tatay kong 'anak' ang batang lalaki. Ilang oras pa ang nakalipas nang may humatid na babae sa batang lalaki. Hinalikan nito ang tatay ko sa pisngi. Duon na napagtanto ng aking nanay na may kabit ang aking tatay." pagkekwento nito. "Dahil dito'y nagsimula ang pag-aaway nila sa bahay."
Hindi ako nakaimik. Ninanamnam ko ang kanyang mga sinabi saakin.
"Dahil rin sa pangyayaring iyon, napag-iinitan ako sa bahay. Saakin nila ibinubunton ang galit nila sa isa't isa. Ako ang buhusan ng kanilang sama ng loob." sabi nito sabay buntong hininga. "Alam mo yung pakiramdam na parang wala ka nang ginawang tama sa mata nila? Alam mo yung pakiramdam na hindi man lang nila na-a-appreciate ang mga maliliit na bagay na na-a-accomplish ko? Ayoko sanang maapektuhan sa away nilang dalawa pero kahit anong iwas ko'y hindi ako nakakawala eh. Kaya eto ako, mas pinipiling nasa labas ng bahay, nag-gagala. Atleast dito, walang makakapang-away saakin. Wala akong papayagang mang-away saakin."
Napa-upo ako't tumingin sakanya. May tinatago din palang lungkot ang kanyang mga ngiti. May dahilan din pala kung bakit lagi niyang gustong makipag-debate saakin at depensahan ang kanyang mga punto.
"Kung magulo sainyong bahay, kailangan mo talaga ng isang lugar na mapaglilipasan ng oras." sabi ko. "Kaya bukas na bukas, kakausapin ko si Mang Ernie upang bilhin na natin ang warehouse na pinupuntahan mo. Let's renovate it according to what you want. Sige na, accept my deal pleeease?"
"Seryoso ka ba sa sinasabi mong iyan?? Bibilhin mo talaga yung maliit na warehouse na iyon?" pagkagulat nito. "Ganyan ka ba talaga magwaldas ng pera?"
"Sabi ko nga sa'yo, hindi pagwawaldas ang tawag duon. May dahilan naman kung bakit ko iyon bibilhin eh. It's just that nagugulat ka lang dahil kaya ko itong bilhin. Trust me, kung pera lang ang pinag-uusapan, marami ako nun!"
"Ayy ang yabang!" sabi nito sabay batok saakin."Tell me, saan mo nakuha iyang kayabangang iyan? Ha?!"
"Hindi naman ako nagmamayabang! Nagsasabi ako ng totoo!"
"Pagmamayabang padin ang tawag diyan noh!"
"O eh di fine! Mayabang na ako! Basta pumayag ka nang bilhin ko ang warehouse na iyon, pleease?"
Tumahimik ito't tila nag-isip. "Bahala ka, pera mo naman 'yong gagamitin eh!" sagot nito. "Basta wala kang hihinging kapalit saakin ha!"
"Actually meron."
"'Yan na nga ba sinasabi ko eh!"
"Konting pabor lang naman." sabi nito.
"Ano?!"
"Sasamahan mo akong i-renovate ito, okay?"
"Sus! Yun lang naman pala eh!" sagot nito. "Nagugutom na ako, tara't pumunta tayo sa convenience store malapit sa kanto't bumili tayo ng makakain!"
***


"Ikaw? Anong kwento mo?" pagtatanong ni Kim saakin habang paunti-unting kumakain ng siopao.
"Ako? Ano nga bang ike-kwento ko sa'yo? Haha!" pamimilosopo ko.
"Anong dahilan kung bakit ka nag-eemote kanina?"
Napaisip ako. Dapat ko bang sabihin sakanya ang aking nararamdaman o mas mabuting itago nalang?
"Masyadong mahaba ang kwento ng buhay ko eh. Mas mahaba pa kaysa sa'yo." sagot ko. "Sabihin nalang nating mas mabuti parin ang kalagayan mo dahil ikaw, may pamilya ka't tanggap ka bilang kanilang anak. Samantalang ako, may pamilya nga pero hindi naman ako kinikilalang anak."
"Anong ibig mong sabihin?"
"Simula kasi nang mamatay ang aking tatay noong bata pa ako'y hindi ko na halos nakasamang lumaki ang aking nanay eh. Lumaki ako sa piling ng aming mga kasambahay. Mas pinili ng aking nanay na pumunta sa Amerika para ipagpatuloy ang kanyang pangarap na maging isang fashion model. As years went by, nagkaroon siya ng asawa doon at nagkapamilya. Doon na siya nanirahan ever since." pagkekwento ko. "Ever since namatay ang aking tatay, wala na akong kinalakihang pamilya. Worst part is hindi ako kinikilalang anak ng aking nanay."
"Bakit?"
"Hindi niya daw kasi ako tunay na anak." pagkekwento ko. "Anak ako ng tatay ko sa una nitong asawa kaya technically, wala siyang responsibilidad saakin. Dumadalaw lang siya para tignan kung ano ang lagay ng kumpanya ng tatay ko. Bibisita lang iyon sa bahay kung kailangan niya ng matutulugan habang siya'y nandito sa Pilipinas."
Hindi ako makapaniwalang naikwento ko kay Kim ang storya ng buhay ko. Sakanya ko lang ito sinabi.
"Kaya kung sa tingin mo mayabang ako dahil kaya kong bilhin ang warehouse na pinupuntahan mo lagi, sige tatanggapin ko nang mayabang ako. Dahil may pera ako eh." sabi ko. "Dahil iyon lang ang maipagyayabang ko."
***
Nakatayo kami ngayon sa gilid ng kanto't hinihintay si Mang Ben- ang aking driver.
"Ano nga palang negosyo niyo't bakit ang yaman yaman ng pamilya mo?" pagtatanong ni Kim.
"May iba't iba kaming pinapatakbong negosyo. From small fast food chains to clothing stores, pinag-iinvestan namin iyan ng pera." sagot ko. "That's how we got rich."
"Alam mo, ang swerte swerte mo parin. Hindi mo kailanman mararanasang magutom! Haha!" sabi nito. "Eh bakit ka nga pala hindi ka pumapasok sa mamahaling universities kung saan belong ang mga katulad mong mayayaman?"
"Ayaw ko lang. Besides, wala namang mayaman o mahirap na university noh! Naniniwala kasi akong pantay pantay lang lahat ng mga paaralan, nasa saiyo nalang kung mag-aaral kang mabuti o hindi." sagot ko. "Unfortunately, isa ako sa mga estudyanteng hindi nag-aaral ng mabuti, haha!"
"Nako nako! Yan tayo eh!" pang-aasar ni Kim."Buti pa ako, scholar ng bayan! Haha!"
"Edi ikaw na!" sabi ko.
Ilang minuto pa ang nakalipas nang dumating si Mang Ben. Sumakay na kami ni Kim sa loob nito. Itinanong ko sakanya ang kung saan siya nakatira para maihatid namin siya. Hindi pa ito pumapayag nung una pero dahil sa convincing skills ko, ayun napapayag ko siya.
"Salamat sa gabing ito, Flincher!" sabi nito habang pababa ng kotse.
"You're welcome!" sagot ko. "I'll text you as soon as nabili na natin ang warehouse na iyon para ma-make over na natin iyon agad!"
Ngumiti nalang ito't pumasok sa kanyang bahay.
Nakangiti din ako sakanya.
She is so pretty.
***
Nasa cafeteria kami ngayon nila Poncho habang ikinekwento ko sakanila ang nangyari kagabi.
"So ibig mong sabihin, nagkwentuhan lang kayo buong magdamag?!" sabi ni Poncho "Dude, that's really not cool!"
"Hindi ka man lang naka 'the moves', tol? Kahit kiss man lang? Kahit holding hands while walking?" pag-usisa ni Eduardo. "Dude, recollection ang tawag sa ginawa niyo, hindi date!"
"Guys, chillax lang! Naging masaya naman kami buong gabi noh!" pagdepensa ko. "Besides, I could feel na she's into me."
"Ang lakas mong sabihing may gusto siya sayo eh ni kiss, hindi mo man lang nagawa! Haha!" pang-aasar ni Poncho. "Dude, yung totoo, umurong ba yung balls mo kagabi? Hahaha!"
Pinagtawanan nila ako.
"Guys, ibahin niyo ako sainyo okay?" sabi ko. "Basta ako, nakikita kong konting effort pa eh mapapasaakin si Kim! I can feel the connection between us!"
"May paconnection connection ka pang nalalaman diyan! Hahaha! Eh wala ka naman talagang binatbat eh!" pang-aasar ni Eduardo. "Ni hawakan nga ang kamay niya, hindi mo nagawa! Haha!"
"Alam niyo, konting konti nalang talaga eh mauupakan ko na kayo!" sabi ko. "Wag pa kayong tumigil sa pang-aasar niyo't makikita niyo ang hinahanap niyo!"
Nagtawanan sila.
"Osige na, hindi ka na namin pagtatawanan." sabi ni Eduardo sabay tigil sa pagtawa. "Pero seriously dude, if you want to get her, you need to make a move. Hindi pepwedeng hanggang kwentuhan lang kayo noh."
"What do you mean?" pagtatanong ko.
"Dude, wala ka talagang alam sa panliligaw noh?" sabi ni Eduardo. "What we mean is look for ways para maka-'pogi points' ka sakanya. Invite her to a romantic dinner, make her real close to you, invite her to a place na kayo lang dalawa. In short, gawin mo ang mga bagay na makakapagparamdam sakanyang gusto mo siya."
"Where do I begin?" pagtatanong ko.
"Start of by having a great make-over." sabi ni Poncho. "Kailangan maging gwapo ka sa paningin niya. You seriously need to change your Elvis Presley look, dude. Let us take care of you, pwede ba yun?"
"Then after that, anong dapat gawin?" pagtatanong ko.
"Tsaka na natin pag-usapan iyan. Ang mahalaga, you need to build yourself first." sabi ni Eduardo. "Kailan mo ba ulit siya makakasama?"
"Uhm.. By the time na nabili ko na yung warehouse na pinupuntahan niya. Balak kasi naming ipa-renovate iyon eh." sagot ko.
"What?? Bumili ka ng isang warehouse? Ano namang gagawin niiyo duon?!" pagtatanong ni Poncho, gulat na gulat.
"Hey guys, let's go back to our topic!" sabi ni Eduardo. "If that's the case, kailangan na nating mag-ayos ngayon! Tawagin natin 'tong.. Operation Flincher!"
"Ang baduy mo naman, Eduardo." sabi ni Poncho. "Osiya, tara na't kailangan pa nating mamili ng mga bago mong damit. Kailangan din nating ayusin yang patayo tayo mong buhok!"























No comments