Header Ads

Minahal Mo Ba Ako? : Chapter 4



"Manong, diretso na tayo sa bahay. Pagod na pagod na ko eh, hindi na muna ako gagala ngayon." utos ko saaking driver. Madalas kasi'y nagpapahangin muna ako sa isang parke't kumakain ng tsitsirya sa tabi tabi. Ayoko kasing umuwi kaagad ng bahay dahil puro kasambahay lang naman ang makakausap ko doon. Wala kasi akong pamilya, este, wala akong matawag na pamilya.
Patulog na sana ako nang biglang nag-ring ang aking cellphone. Laking gulat ko na ang tumatawag saakin ay ang nanay kong si Jannah. Hindi ko akalaing nag-abala pa talaga siyang tumawag saakin. Sinagot ko ang tawag niya.
"Hello?" sabi ko.
"Hoy Flincher, I'll be going back to Manila next next month. You know what to do." sabi nito sabay putol ng linya Hindi man lang ako hinayaang magsalita.
Hanggang ngayon ay hindi niya padin ako tanggap bilang anak.
Hindi ko alam kung anong mangyayari sa muling pagkikita naming dalawa.
****
Pagpasok na pagpasok ko ay hinanap ko kaagad ang mga librong pinagsulatan ko ng mensahe, umaasang mag-reply saakin ang taong gumawa ng madramang kwento nina Adora at Eliseo. Buti nalang at hindi ako nabigo, nireplyan niya ako sa isa sa mga libro.
Salamat sa pag-effort na kumpletuhing basahin ang storya ko. I'm sorry pero yun na talaga ang ending nito.
Gusto ko pa sana siyang replyan pero wala nang sapat na bakanteng mapagsusulatan kaya kumuha nalang ako ng kapirasong papel at duon ko sinulat ang aking tugon.
Basta para saakin, madrama ang storyang ginawa mo! Hindi maganda! Hindi happy ang ending eh!
Idinikit ko ang papel na iyon sa libro at hinintay ko ang kanyang tugon.
Kinabukasan, nabasa ko na agad ito.
Gusto mo ba akong makausap tungkol sa storyang ginawa ko?
Ni-replyan ko eto:
Gusto mo akong i-date noh? Sige, okay lang naman saakin. Choosy ako pero dahil nagpapamysterious ka, okay na din saakin na magdate tayo.
Nagreply nanaman ito. Ibinigay niya ang kanyang cellphone number at inutusan akong itapon ang papel na iyon kapag nakuha ko na ang number niya para walang ibang makaalam nito. Sinunod ko naman ang utos niya't nagmadali akong magtext sakanya.
Me: Hello, ako nga pala yung gwapong nagbasa ng libro mo. Ako yung binigyan mo ng cellphone numbe mo. Pwede ba tayong mag-usap? Busy akong tao pero free naman ako ngayon.
Nagreply naman ito. Nagpalitan na kami ng text messages.
Anonymous: Hi! Akala ko, matatagalan ka sa pagtetetext saakin, haha! Nakakatuwa namang isiping may nagtyagang buuin ang puzzle na ginawa ko. By the way, my name's Kim. And you are?
Me: My name's Flincher. Oy bakit nga pala ganun yung story mo? Bakit parang ang bitin naman ata?
Kim: Pasensya na pero ganun naman kasi talaga ang ending ng storya na yun. Hindi naman pepwedeng lagi nalang happy ending di ba?
Me: Ang baduy mo naman! Masyado ka namang malungkot gumawa ng kwento!
Kim: Haha! Sorry naman! Ganun naman kasi talaga ang ideal na ending sa story na iyon eh noh!
Me: Ewan ko sa'yo! Siya nga pala, gusto pa kitang mas lalo pang makilala. I'm sure interested ka rin naman saakin. Pwede ba tayo magkita some other time? Kung kelan hindi ako busy?
Kim: Wow, wow, wow! Ang lakas ng hangin! What makes you soooo sure na gusto kitang makilala sa personal, aber?!!
Me: Eh ganun naman lahat ng mga girls saakin eh, sanay na ko diyan.
Kim: Ang hangin talagaaaaa! Grabe! Eh papaano kung ayaw kong makipagkita?
Me: Napakaimposible naman nun. Ako pa ba idedecline mo?
Kim: Sorry pero kaya kitang i-decline. Kaya my answer is no.
Naku, yari na! Ayaw niyang makipagkita saakin, akala ko pa naman eh magkaka-chance akong makilala siya. Bakit ba kasi ang choosy niya, ako na nga lumalapit eh! Hindi na ko nagtext sakanya. Hindi ko na rin naman alam kung anong sasabihin eh.
Biglang nagring ang aking cellphone. Nagtext nanaman uli ito.
Kim: Ano, gulat ka noh? Hahhaha!
Me: Ewan ko sa'yo. Maghanap ka nalang po ng kausap mo. By the way, ampangit po talaga ng storyang ginawa mo. Just saying.
Kim: Grabe siya oh. Sige na nga. Kita tayo sa school canteen. Gusto rin kasi kita makilala. Ikaw lang kasi ang nagtyagang basahin ang storya ko eh. Wag ka lang maging mahangin ha? Haha!
Me: Tignan mo to. Nagpapahabol ka lang eh! Sos, sige na nga! Anong oras tayo magkikita?
Kim: Mga umaga, 10am, pwede ba?
Me: Sige. Kitakits!
Kim: Magkukulay yellow ako bukas. Basta may nakita kang naka-kulay yellow, ako na agad yun ha! Haha!
Me: Oo na po, sabi mo eh.
Kim: Paano nga pala kita makikilala? Anong palatandaan mo?
Me: Ako lang naman ang pinakagwapo sa lahat.
Kim: Ang hangin talaga! Sige, kitakits tomorrow.
Ano kayang mangyayari sa pagkikita namin? Naku po, kinakabahan na ako!
***


"So ibig mong sabihin may ka-blind date ka bukas sa school canteen at nagtatanong ka kung ano ang mga 'right moves' na dapat mong gawin, ganun?" pagtatanong ni Eduardo saakin. Magkausap kami sa telepono. "Akala ko ba, malakas ka sa chiks? HAHAHAH!"
"Nako, tulungan mo nalang kasi ako, wag kang maraming satsat diyan!" sagot ko. "Ano bang dapat kong gawin sa date na iyon?"
"Hahahha! First date mo ba to? Bakit parang kabadong kabado ka? Ha?!" pagtatanong nito. Tawa siya ng tawa. Actually first real date ko nga ito. Lagi kasi akong wino-walkoutan ng mga magiging ka-date ko dati eh.
"Ano? Tutulungan mo ba ako o mang-aasar ka lang?"
"Himala! May napapayag kang makipag-date sa'yo! Hahaha!" pagpapatuloy nito sa pang-aasar. "Ang baduy nga lang kasi bakit kailangan pang sa school canteen kayo magkita? Ang baduy talaga, pare! Yayain mo siya sa isang lugar na masosolo mo siya para, alam mo na.. Hahaha!"
"Anong alam ko na?"
"Naku pre, wag mong sabihing hindi mo gets?" asar na turan niya. "Para maka-score ka sakanya! Ano ka ba!"
"Eh ano nga kasing kailangan kong gawin para maka-score sakanya?"
"Pare, ang importante lang naman diyan eh ipakita mo kung sino ka para kahit anong mangyari, mabasted ka man o hindi, alam mong nagpakatotoo ka sakanya. Atleast kapag dumating ang araw na naging 'kayo', mamahalin ka niya hindi sa kung anong meron ka. Hindi dahil sa kung ano ang maibibigay mo sakanya. Mamahalin ka niya dahil mahal ka niya."
***
Nandito na ako ngayon sa school canteen, hinahanap si Kim. Ano kayang itsura nito? Nako, kung hindi niya ma-meet ang standards ko, magwo-walk out nalang ako. Actually ilang minuto nalang eh lalayas na ko dito dahil ayaw na ayaw kong pinaghihintay ako noh! Tong mukhang to, pinaghihintay? Nako, naka-bad points na tuloy siya saakin.
Nagmasid masid ako sa paligid, hinahanap kung nasaan siya. Palatandaan ko ang sinabi niyang naka yellow siyang damit. nakalimutan kong P.E pala namin ngayon kaya malamang, naka yellow na damit lahat ng mga estudyante! Hay nako.
Ilang minuto pa akong naghintay pero hindi ko padin siya nakikita. Paano kaya kami magkikitaan?
Sa paghahanap ko sakanya. may nakita akong isang babaeng pa saakin. Nameet nito ang standards ko. Nakangiti ito saakin. Ang lakas lakas ng pintig ng puso ko. Eto yung scene sa mga koreanovela na kung saan makikita na ng babae ang kanyang prince chrarming sabay tugtog ng nakaka-inlove na instrumental. Diyosmiyo! First time kong kiligin ng ganito!
Lumapit siya saakin, nakangiti padin. Nako miss, wag kang ngingiti ng ganyan at baka mahalikan na kita agad agad, naughty pa naman ako minsan.
"Uhm, ikaw ba si Flincher?" pagtatanong niya.
"Ahh.. oo ako nga." sagot ko.
Tumalon talon ito.
"Ikaw nga! Sabi ko na nga ba eh!" tuwang tuwang turan niya. "By the way, I'm Kim."
Biglang tumalon ang puso ko sa sobrang tuwa, napakaganda naman pala ni Kim! Umikot ikot ang mata ko sakanya, kulay blonde ang buhok nito't maputi, may key necklace itong kumikinang- mukha talagang prinsesa! First time lang akong napatulala sa isang babae, as in!
"Teka, paano mo nga pala nalaman na ako si Flincher?" pagtatanong ko.
"Simple lang naman." patawa tawa ito. "Ikaw kasi ang pinakapangit sa lahat eh! Hahahahah!"
Eto yung scene sa koreanovela na naging thriller/suspense ang instrumental. May death wish ba 'tong babaeng 'to? Naku, kung hindi lang 'to maganda, kanina ko pa ako nagwalk-out! Eh wala eh, nabihag niya ako eh.
"Joke lang!" sabi nito, patawa tawa. "Pero pepwede mo naman totohanin, haha!"
Pinagtitripan ba ako nito? Badtrip, hindi ko maiwasang mapanga-nga sakanya!
"Tara, bili na tayo ng pagkain!" sabi nito.
***


"So, ano ang dahilan kung bakit napakalungkot naman ng nangyari sa storyang ginawa mo? Bakit ito hindi happy ending?" pagtatanong ko kay Kim habang kami'y kumakain.
"Ewan ko." sagot nito, tila nag-iisip. "Sa tingin ko kasi, hindi naman palaging dapat happy ang ending ng mga kwento kasi let's face it, marami din namang malulungkot na ending mas lalo na sa love. Ganun naman kasi talaga ang reality, di ba?"
"Eh ang problema nga kasi eh fantasy ang ginawa mong storya, malayo sa realidad ng buhay. Gusto syempre ng mga readers mo na maganda yung maging ending para maramdaman nilang worth it ang binasa nila." pagpapaliwanag ko. "Hindi mo ba talaga babaguhin ang ending ng storyang iyon?"
"Ano ba ang kailangan kong baguhin duon? Kung titignan mo naman kasi, iyon ang nararapat na ending sa ganung klaseng storya eh. Wala na akong maisip na alternate ending duon. May mga bagay kasi na kahit anong gawing pilit natin, kung malungkot ang ending nito, malungkot talaga. Period."
"Ewan. Basta ako, sa tingin ko may mas ikagaganda pa yang storya mo." sabi ko. "Pero dahil ikaw naman ang sumulat nito, sa'yong trip naman talaga ang masusunod kaya sasakyan ko nalang 'yang trip mo. Bakit mo nga pala siya ini-scatter sa iba't ibang libro ang parts ng story na to?"
"Whenever I write stories kasi, inilalagay ko siya sa mga bagay na alam kong hindi kaagad agad makikita o mababasa. Hinahati hati ko siya sa iba't ibang lugar, at magbibigay ng mga clues sa kung sino man ang gustong makabasa nito. SIguro, that's the weird side of me. That way kasi, kahit mawala ang isang parte ng storya ko, atleast hindi nawala lahat. Atleast may mga parte pang naiwan para mabuo parin ang storya ko sa imahinasyon ng taong nagbabasa nito. That way, I could be immortal because my works are not that destroyed."
"Ano daaaw?" sabi ko. "Alam mo, weird ka nga talaga! Wala akong naintindihan ni isa sa paliwanag mo eh! Pinagulo mo lang ang utak ko!"
"Hay nako, wag ka na kasing magtanong tanong ng mga bagay bagay na hindi mo din naman magegets ang sagot. Akala ko pa naman, braniac ang makikilala ko katulad ko, yun pala hindi. Haayy."
"Alam mo, kanina ka pa nanghahamak ha!" asar na turan ko. "Kala mo naman kung sino tong maganda!"
"Bakit hindi ba ako maganda?" sabi nito sabay ngiti.
Hindi ko maiwasan mapatitig sakanya. Hindi ko masagot ang tanong niya dahil... maganda naman talaga siya.
Tumawa ito. "Sabi ko na nga ba, nagagandahan ka saakin eh! Chiks, ano? HAHAHA!"
"Nagparetoke ka ba?" pagtatanong ko.
"Ang kapal talaga ng mukha mo! Hahah! Hindi noh! All natural po iyan!" sagot nito.
"May pagkamayabang ka din pala ano?"
"Wag kang mag-alala, sinasabayan lang kita." sagot nito sabay tawa. "Ang cute cute mo kasi eh, ang sarap mong pisil pisilin. Pero para kasing pag pinisil kita, anytime eh magkakalas kalas ka na. Natry mo bang magpa-muscles kahit minsan? Haha!"
"Wow, hiyang hiya naman ako sa katawan mong nakulangan ata sa gatas at pagpapaaraw. Alam mo, dapat sumali ka na sa feeding program ng DOLE , para naman lumusog lusog ka naman kahit onti!"
"Sexy po ang tawag diyan. In case you don't know." sagot nito.
"Payat po ang tamang term diyan! There was never an ass! Hahaha!"
"Excuse me, have you seen my butt para lait laitin mo yang pwet ko? Baka magulat ka!" sabi nito.
"Gusto kong magulat, patingin nga!"
"Ang panget mo na nga, may pagkamanyak ka pa!" pang-aasar nito. "Nakakaturn off ka kamo!"
"Sus, if I know, kaya ka nakipag-meet saakin eh dahil alam mong makikilala mo na ang prince charming mo, which is ako. Gusto mo bang makipag-date saakin?" pagtatanong ko.
"Syempre, hindi!" sagot nito. "Sa kayabangan mong iyan, mayroon pa bang may gustong makipag-date sa'yo? Hahah!"
"Oo! Marami!" sagot ko. "Marami na nga akong naka-date noh!"
"Talaga? Sige nga, magbigay ka ng pangalan ng naka-date mo't pakilala mo saakin!"
Hindi ako nakaimik bigla.
"See? Wala ka ngang naka-date ano? HAHAHHA!" pang-aasar nito. "Pwede naman kasing maging humble minsan, ano?"
Hindi ulit ako nakaimik. Gusto kong kainin ng lupa sa sobrang hiya sakanya.
"Bat parang bigla kang nawalan ng bibig?" pangungulit nito. "Sige na, for the sake ng may maka-date ka man lang sa buong buhay mo, makikipag-date na ako sa'yo sa isang kondisyon – ako ang pipili ng pupuntahan natin! Pwede ba?"
"Sige ba!" sagot ko.
"Bigla kang ginanahan ah! Haha! See you this weekend , mga bandang hapon. Dito nalang ulit tayo magkita, okay?"
"Okay." sabi ko sabay ngiti.
YEEESS! Sabi ko na nga ba makikipag-date siya saakin eh! Ang lakas ko talaga sa chiks!
***


Nasa cafeteria kami ngayon, kinuwento ko sakanila ang nangyaring pag-uusap naming dalawa ni Kim.
"Yun oh! Sa pinakaunang pagkakataon ay may makaka-date ka na!" pangungulit ni Poncho. "Paano mo siya napapayag? At sino yang babaeng nauto mo? Haha!"
"Oo nga pare, magkwento ka naman!" excited na turan ni Eduardo habang umiinom ng kape.
"Nako, guys, ako pa ba?! Eh chiks magnet kaya 'to!" sagot ko. "Kim ang pangalan niya. Long story kung bakit ko siya nakilala pero alam kong true love na talaga eto, pare!"
Binatukan nila akong dalawa.
"Pare, kailangan mo na magpapogi points! Ayusin mo na yang get up mong hindi ko mawari kung anong gusto mong iparating! Bukas na bukas din eh bumili tayo ng mga panibagong gamit para sa date mong iyan." sabi ni Eduardo.
"Oo nga pare, samahan ka din namin ni Eduardong magpagupit para maayos ka naman sa araw ng date mo."
"Bakit, mukha ba akong hindi nag-aayos? Grabe siya oh!" sagot ko. "Hoy, hindi ko naman kasalanan kung hindi niyo feel tong get up kong 'to! Elvis Presley kayang style 'to noh! Sabi kasi ng mga katulong namin sa bahay, si Elvis Presley daw kasi ang pinakagwapong nilalang na buong mundo. Walang makakahigit pa dito kaya nama'y ginagaya ko siya."
Nagtawanan silang dalawa.
"Dude, anong petsa na?! Laos na 'yang ganyang get-up noh!" pang-aasar ni Poncho.
"Bukas na bukas din, bibili tayo ng mga bagong damit, okay?" sabi ni Eduardo.
"Para naman maka-pogi points ka kay Kim na yan." sabi ni Poncho.
Kahit na natatakot ako dahil baka baduy ang ipasuot nila saakin, napapayag padin nila ako. Afterall, they are my friends naman eh.
***
Nasa terrace ako ng bahay namin ngayon, pinagmamasdan ang batang naglalaro kasama ang kanyang ama. Napatanong tuloy ako sa aking sarili: Ano kaya ang pakiramdam ng mayroong tatay? Hindi ko kasi naranasan iyon.
Lumaki akong mag-isa. Bata pa ako noong namatay ang aking tatay na si James. May asawa nanamang iba ang aking nanay kaya ako nalang ang natira dito sa mansyong ito. Ang mga kasambahay lang namin dito ang itinuring kong kapamilya. Sila ang nag-alaga saakin hanggang sa ako'y lumaki.
Matagal ko nang tinanong sa aking sarili kung bakit nila ako iniwan. Matagal ko na ding gustong maranasan ang magkaroon ng ina. Malabo na yatang mangyari iyon.
Malabo sa sitwasyon ko.
Malabo dahil sa pinagdaraanan ko.
***
Nakapamili na kami nila Eduardo ng mga damit para pampa-pogi points kay Kim. Kahit na ayaw ko'y sinunod ko na din ang payo nilang magpagupit ng buhok. Bukas na kasi kami magde-date ni KIm kaya kailangang magprepare ako.
"Ayan, mukhang tao ka na!" pangungulit ni Eduardo. Nasa coffee shop kami ngayon. Syempre nagkakape.
"Basta sundin mo lang ang tips na ibinigay namin ni Eduardo sayo't you'll be fine" sabi ni Poncho. "At bawasan mo yang pagiging mahangin mo."
"Hindi naman ako mahangin noh!" pagdepensa ko. "Masama bang magsabi ng totoo?"
Tumawa silang dalawa.
"Yan ang gusto namin sayo eh, grabe ang bilib mo sa'yong sarili! Haha!" sabi ni Pocho.
"Ready ka na ba para bukas, Flincher?" pagtatanong ni Eduardo.
"Oo naman! Ako pa ba?" sagot ko.
Bigla akong napa-isip. First real date ko 'to. Ready na ba talaga ako?
***


Eto na ang araw na hinintay ko – ang date ko kasama si Kim. Sana maging maayos ang kalabasan nito.
Kanina ko pa tinetext si Kim, hindi naman ito nasagot kaya'y naghintay nalang ako sa mismong lugar sa canteen na sinabi niyang magkita kami. Ilang minuto pa ang nakakalipas nang dumating siya.
"Flincher!" sabi nito sabay upo. "Ba't napaka-aga mo?"
"Eh akala ko naman kasi'y maaga ka din, noh. Kung alam ko lang na paghihintayin mo ako dito, edi sana hindi ko nalang tinuloy 'tong date na to. Ayaw ko pa namang pinaghihintay!"
"Napakadami mo nang sinabi! Daig mo pa ako sa pagiging madaldal eh, noh?"
"Oo na, oo na. Ako na madaldal, ako na lahat! Atleast hindi ako nale-late sa pinag-usapan."
"Bakit pinag-usapan ba nating kung anong eksaktong oras tayo magkikita? Hindi naman, di ba?"
"Ano bang oras ang bandang hapon, ha?? Yun na nga eh, wala kang sinabing eksaktong oras kaya ineexpect ko na aagahan mo man lang!"
"So aawayin mo ako dahil sa bandang hapon na iyan? Ha?"
"Eh ikaw naman kasi eh, nag-effort na nga akong pumunta dito ng maaga tapos parang hindi mo pa na-appreciate!"
Hindi ito umimik. Naggagalit-galitan.
"Haaaay! Nasaan ang katarungan sa ginagawa mo saakin ngayon? Ako na nga yung kunwaring dapat galit eh ikaw pa tong nag-iinarte ng ganyan! Girls nga naman oh!"
"Hoy! Hoy! Hoy! Wag mong nilalahat ang lahat ng babae ha! Hindi porke't-"
"Oo na, oo na!" pagpuputol ko sakanya. "Peace na tayo, okay? Mali nanaman kasi ang pagkakaintindi mo sa pinupunto ko eh."
"Bakit, ano bang gusto mong ipunto?"
"Wala. Wala na akong punto. Peace nalang tayo, okay?"
Hindi ulit ito umiimik. Nagpapa-cute ba ito saakin?
"Oy, wag ka nang maggalit-galitan diyan. Hindi bagay sa'yo." pangungulit ko.
"Hindi pa nga nagsisimula yung date natin na 'to eh hina-highblood mo na ako eh!"
"Ikaw naman kasi talaga may kasalanan eh." pabulong na sabi ko.
"Ano?? May sinasabi ka ba??" sabi nito.
"Wala! Wala!" sagot ko. "Ang sabi ko ay pumunta na tayo sa gusto mong puntahan dahil excited na excited na ako."
"Akala ko, may sinasabi ka eh." sabi nito sabay lakad palabas ng canteen.
"Sus, kunwaring walang narinig eh alam ko namang naririnig niya mga sinasabi ko." pabulong na turan ko.
***
May papasukan kaming isang maliit na lugar. Pumasok kami sa isang maliit na sulok at binuksan ang maliit na pintuan. Pagkapasok doon ay mayroon pang hagdanan pababa patungo sa isa pang maliit na pintuan.
"Kim, saan ba tayo pupunta?" pagtatanong ko, kabadong pumasok sa pupuntahan namin.
"Oh ano? Ayaw mo ba akong samahan? Pwede ka namang mag-quit!" sagot nito.
"Pwede bang sagutin mo nalang ang tanong ko? Saan ba kasi tayo pupunta?"
"Basta sumama ka na lang!"
Hinablot niya ako't pumasok kami sa isang abandonanong lugar. Mukha itong warehouse.
"Tanaaan! Eto ang aking secret hiding place! Ang ganda 'di ba?"
Wala namang maganda sa loob ng lugar na ito. Napakadilim.
"At sa lugar na ito ako nagsusulat ng mga stories na gusto kong gawin." pagkekwento nito. "Dito ako malayang mag-express ng aking nararamdaman dahil alam kong walang makakapag-judge saakin dito. Kung ano ang gusto kong isigaw, isisigaw ko lang. Kung ano ang gusto kong gawin, magagawa ko dito. Dito din ako kadalasang natambay kapag walang ginagawa. Dito ako nagmumuni muni, haha."
"Pino-promote mo ba 'tong lugar na 'to saakin? Don't worry, gusto ko din namang tumambay dito paminsan minsan." sabi ko. "Pero kailangan natin tong ipa-renovate. Pwede din nating bilhin itong lugar na ito, I can take care of that if you want."
"Nako nako Flimcher, ayan ka nanaman sa pagiging mayabang mo!"
"Huh? Hindi ako nagyayabang noh! Kung kaya ko naman kasi, bakit hindi ko gagawin, 'di ba? Eh mayaman naman ako eh!"
"Grabe! Ganyan lang ba kadali sa'yong magwaldas ng pera?" pasarkastiko nitong tanong.
"Hindi naman pagwawaldas ng pera ang tawag sa gagawin ko noh!" depensa ko. "Besides, may naisip naman tayong magandang idea para sa lugar na ito 'di ba? Kaya we know for a fact that we'll get my money's worth here."
"Ano bang idea natin?"
"Kapag napa-renovate na natin ito, maari tayong magtayo ng secret party dito together with our friends. Gagawin nating 'tong lugar na 'to as our little house for us."
"Wala akong idea na ganun noh! At hindi ako papayag sa idea mong gawin itong secret party house! Hindi ako papayag na gawin mo itong bar for your friends who just wanna drink beer and get crazy! Dapat pala'y hindi na kita ininvite dito! Yan tuloy, nasa peligro 'tong lugar na 'to!"
"Okay okay, pwede bang mag-relax ka muna?" pagpapakalma ko sakanya. "Sige na, hindi ko na gagawin ang idea kong iyon. Bibilhin ko nalang 'tong warehouse na 'to para maipa-renovate natin."
"Bakit ba gustong gusto mong bilhin 'tong warehouse na 'to??"
"Dahil kaya ko! Besides, nakakahiya namang pumapasok tayo dito, hindi naman natin ito pag-aari noh! Kaya kailangan talaga natin itong bilhin para in the near future eh hindi naman tayo mapahiya't palabasin sa loob nito. Pwede bang umagree ka nalang?"
Hindi na nagsalita si Kim. Iniirap irapan nalang niya ako. Nakatingin ako sakanya nang napansin kong mayroon siyang golden key necklace na suot. Napakaganda nito. Hinawakan ko ito.
"Ang ganda naman niyan!" sabi ko habang hawak hawak ang necklace. "Saan mo ito nabili?"
"Don't tell me gusto mong bumili nito? Nako Flincher, napaghahalataan ka na! Haha!" pamimikon nito sabay hablot ng kanyang necklace. "Wag mo ngang hawakan iyan. May sentimental value iyan para saakin noh!"
"Tinitignan lang naman eh! Napakadamot mo! May pa-sentimental sentimental value ka pang nalalaman diyan! Sabihin mo lang kung ayaw mong magpahiram hindi yung ang dami mo pang satsat!"
"Ikaw na nga ang nanghihiram, ikaw pa 'tong may ganang magalit! Ang luwag na din talaga ng turnilyo mo sa utak noh?"
"Oo! Kasing luwag ng turnilyo mo!" pabalang kong sagot. "Bat ba gusto mo laging makipag-away? Ha?"
"Ikaw 'tong dapat kong tinatanong ko niyan!" sagot nito. "Ikaw nga 'tong mapagpatol eh!"
Para lang matapos ang aming debate eh tumahimik nalang ako. May problema talaga sa utak 'tong babaeng ito. Bakit ba ako naturn-on sakanya?
"Flincher, may gusto akong puntahan!" sabi nito. "Gusto mo bang sumama?'
"Saan naman iyon?"
"Ano, sasama ka ba saakin o hindi?"
"Oo na. Sasama na!"
"Good!"



























No comments