Header Ads

Minahal Mo Ba Ako? : Chapter 3

"Gawa ang painting na iyan ng isang pintor sa lugar na ito na may malalang sakit- si Hector. Idinrowing niya ang painting na iyan para kay Hera, ang kanyang minamahal. Alam niyang mahal siya ni Hera pero hindi umaamin si Hector na mahal niya rin ito dahil ayaw niyang masaktan ang dalaga. Alam niya kasing nalalabi nalang ang kanyang mga araw sa mundo. Dahil hindi niya masabi ang kanyang nararamdaman, iginuhit niya nalang ito. Ang kanyang natitirang mga araw ay kanyang iginugol sa pagguhit ng larawang ito. Ito ay sumisimbolo sa pagmamahal niya para kay Hera. Pagkatapos niyang idrowing ang larawang iyan, gusto niyang kaagarang ibigay ito kay Hera. Pero may hindi inaasahang pangyayari ang nagbago sa lahat ng plinano niya."
"Ano pong nangyari?" pagtatanong ko, pa-suspense kasi itong si manong eh!
"Nagkaroon ng isang malaking sunog dito dati. Maraming nawalan ng bahay. Maraming namatay. Isa duon si Hera. Sinagip niya kasi ang kanyang nakakabatang kapatid nakulong sa loob ng kanilang bahay. Isinakripisyo niya ang kanyang buhay para sa kanyang kapatid."
"Ano po ang naging reaksyon ni Hector?"
"Nanlumo si Hector. Nanghinayang sa mga panahong hindi niya nasabi sa dalaga kung gaano niya ito kamahal. Nagsisi dahil hindi niya nasabi lahat ng gusto niyang sabihin sa dalaga." pagpapatuloy nito sa pagkwento. "Ilang araw pa ang nakalipas, nilisan na rin ni Hector ang mundo. Etong painting na ito ang sumisimbolo ng pagmamahalan nilang dalawa."
Napatunganga lang ako sakanya. Ang haba pala ng storyline nitong painting na 'to!
"Eto rin ang nagturo saaking kapag nagmamahal ka, dapat ipakita mo. Dapat iparamdam mo. Hindi natin alam kung ano ang mangyayari bukas. Kaya pahalagahan natin ang bawat oras na mayroon tayo kasama ang mga mga taong minamahal natin."
"Maitanong ko lang po, bakit parang ang dami dami niyong alam sa nangyari kina Hector at Hera?" pagtatanong ko. "Para po kasing detalyadong detalyado ang pagkaka-kwento niyo saakin eh."
Napangiti ito saakin. "Dahil ako ang tatay ni Hector, ang may ari ng bar na ito."
****
Hanggang ngayon ay may hang over parin ako sa painting na nakita ko kahapon kaya nama'y nagpasya akong magbasa basa about paintings. May iba't ibang klase pala ng pagpe-paint, hindi ko nga lang naintindihan kaya ending, wala rin akong natutunan. Kaya naghanap nalang ako ng ibang libro. Sa aking paghahanap, mayroon nanaman kong nakitang bituing naka-carve sa isang bahagi ng bookshelf. Paniguradong mayroon nanamang librong ginuhitan ng bituin kaya hinanap ko ang librong iyon. At hindi nga ako nagkamali. Kinuha ko ang librong iyon sa bookshelf at tinignan agad ang likod na bahagi ng librong ito. Eto ang nakasulat.
(1/4)
Noong unang panahon, gumawa ng magkaibang mundo ang diyos para sa dalawang haring hindi magkaintindihan- ang hari ng Buhay na si Nestor at hari ng Kamatayang si Romulus.
Pinagkasundo sila ng diyos sa pamamagitan ng isang kasunduang walang sinumang nilalang ang maaring lumabas sa kanilang mundo, maging sino pa man ito.
Ito ay para maiwasan na sumibol ang panibagong digmaan. Naging mapayapa ang buong kalawakan dahil rito.
Hindi nila alam na may dalawang nilalang na sumusuway sa kasunduang ito.
Ngayon ko lang napagtantong mayroon mala-puzzle pala itong kailangan mong hanapin ang mga librong may nakadrowing na bituin para malaman mo kung ano ang buong storya na ginawa ng kung sino man ang nagsulat nito kaya nama'y hinanap ko ang bawat isang libro.
Nagpaikot ikot ako sa buong library't nakita ko na ang lahat ng librong may drowing na bituin, dahilan upang umabsent ako sa susunod na klase. Dahil malaki na ang isinakripisyo ko sa paghahanap ng mga ito, isa isa ko nang binasa sa tamang pagkakaayos ang buong storya nito: Eto ang nabasa ko:
(1/4)
Noong unang panahon, gumawa ng magkaibang mundo ang diyos para sa dalawang haring hindi magkaintindihan- ang hari ng Buhay na si Nestor at hari ng Kamatayang si Romulus.
Pinagkasundo sila ng diyos sa pamamagitan ng isang kasunduang walang sinumang nilalang ang maaring lumabas sa kanilang mundo, maging sino pa man ito.
Ito ay para maiwasan na sumibol ang panibagong digmaan.
Naging mapayapa ang buong kalawakan dahil rito.
Hindi nila alam na may dalawang nilalang na sumusuway sa kasunduang ito.
(2/4)
Tuwing gabi, pasikretong lumalabas sa mundo ang prinsepe ng buhay na si Eliseo.
Gabi gabi kasi ay nakikipagtagpo ito kay Adora - ang nilalang na espesyal sakanya.
Nawalay siya rito dahil sa panahon ng digmaan, kung saan halos lahat ng nilalang ng kanyang tatay ay kinuha ni haring Kamatayan.
Buong gabi nilang sinusulit ang pagsasama nilang dalawa.
Nangangarap sila na balang araw ay magkakasama sila sa iisang mundo.
At kapag dumating iyon,nangako silang hindi na magkakahiwalay.
(3/4)
Dumating ang araw kung saan nalaman ni Haring Romulus ang pasikretong pagtatagpo nila Adora at Eliseo.
Ipinatawag niya si Adora.
Nalaman ng buong kalawakan ang nangyari kaya nama'y nakaabot kay Haring Nestor at Eliseo ang balita.
Sa sobrang galit ni Haring Nestor, inutos niyang ikulong ang kanyang anak sa kulungan ng kasamaan habang iniisip ang karampatang parusa para rito.
Dahil sa insidente, muling nagkausap ang dalawang hari. Tinalakay nila kung anong parusa ang ipapataw nila sa dalawang nilalang na lumabag sa kanilang kasunduan.
Dahil sa kanilang pag-uusap, napagpasyahang itapon ang dalawang nilalang na ito sa balon ng walang hanggan.
(4/4)
Binuksan na ni Haring Nestor ang lagusan sa balon.
Inihanda na rin ni Haring Romulus ang ritwal para sa pagpasok ng dalawa.
Tinignan ni Adora at Eliseo ang isa't isa.
Naghawakan sila ng kanilang kamay.
At pumikit.
Itinapon na sila sa balon.
Bakit parang bitin?? Bakit parang ang lungkot ng kwento??
Sa aking pagkakadismaya, sinulatan ko ang kung sino man ang gumawa nito ng mensahe sa lahat ng librong vinandal niya. Eto ang mensahe ko:
Ang korni naman ng pagkakagawa mo! Tapusin mo naman ito ng maayos oh! Dapat happy ending! Mag-reply ka naman!
Inilagay ko na ang mga librong ito sa kani-kanilang mga lalagyan. Sana, magreply naman ang gumawa ng napakasalimuot na kwentong iyon sa aking mensahe sakanya.

No comments