Header Ads

Minahal Mo Ba Ako: Chapter 2

Sa totoo lang, wala talaga akong ganang gumawa ng assignment ngayon kaya sinamahan ko nalang sina Poncho para makakopya ako sakanila. Naghanap nalang ako ng librong maaaring basahin.Tumingin ako sa ibabang bookshelf, sa parteng ito ay may nakaukit na bituing halatang kinarve gamit ang isang ballpen. Sa ibaba nito ay may nakita akong boring na librong koleksyon ng mga tula na halos hindi naman pinapansin ng mga estudyante. Sa gilid ng librong ito ay may drowing ng bituin na ginamitan din ng ballpen. Bakit ba pati libro ay vinavandal na?
Binasa ko ito. Umpisa palang eh naantok na ako! Hindi ko kasi maintindihan ang mga pinagsasasabi ng tula na ito eh! Napaka-deep! Pinagpapalit palit ko lang ang mga pahina nito, nang may nakita akong sulat kamay sa blankong likod na bahagi ng libro. Eto ang nasaba ko:
(2/4)
Tuwing gabi, pasikretong lumalabas sa mundo ang prinsepe ng buhay na si Eliseo.
Gabi gabi kasi ay nakikipagtagpo ito kay Adora - ang nilalang na espesyal sakanya.
Nawalay siya rito dahil sa panahon ng digmaan, kung saan halos lahat ng nilalang ng kanyang tatay ay kinuha ni haring Kamatayan.
Buong gabi nilang sinusulit ang pagsasama nilang dalawa.
Nangangarap sila na balang araw ay magkakasama sila sa iisang mundo.
At kapag dumating iyon,nangako silang hindi na magkakahiwalay
Bukod sa madrama ang storya, hindi ko din ito naintindihan. Bakit pa niya kailangang magsulat dito sa librong to? Hindi niya ba alam na bawal magsulat sa librong pag-aari ng paaralang ito? Hindi niya ba alam na mali ang ginawa niya?
Pero dahil na-curious rin ako kung mag-rereact siya kung sasagutin ko mga tanong niya, nagpasya akong sulatan siya dito.
Anong pinagsasasabi mo? Hindi mo ba alam na pagvavandal ang ginagawa mo.
At inilagay ko na agad ang librong iyon sa bookshelf. Mahirap na, baka malaman ng librarian na nagsulat ako sa libro't pagmultahin pa ako noh!
Sasagot kaya yung taong nagsulat sa librong iyon? Ano kaya ang magiging sagot niya? Bakit ba kailangang maging masyadong nakaka-suspense ang mga bagay bagay?
()
Nasa loob na kami ngayon ng bar. As usual, maraming mga babaeng pakembot kembot sa isang pole na kung anu-anong pinagsasasayaw na parang kinukumbulsyon lang. Mayroon din namang mga kalalakihang pataas taas pa ng kamay, akala nila 'cool' sila, hindi nila alam na mukha lang silang engot sa pinag-gagagawa nila.
Tuwang tuwa si Poncho, para bang nakalabas ng hawla't nakalimutan niyang may kaibigan siyang kasama. Para kasi itong pinasukan ng bulati't kung saan saan niya nagpupupunta. 'That's what you call widening your social circle daw' pero para saakin, kaepalan lang yang ginagawa niya.
Mukha namang engot si Eduardo na pangiti ngiti lang sa isang tabi, halatang kabadong kabadong kausap ang isang babae. Nilapitan ko sila.
"Hi, I'm Flincher!" pagpapakilala ko. "And you are? Ay wag mo na palang sagutin, hindi naman ako interesado. Pero one thing's for sure... interesado ka saakin noh?"
Hindi kaagad nakapagsalita yung babae. Eto yung phase kung saan alam kong nagniningning na ang aking mukha sa kanyang mga mata.
"O...kay?" sabi ng babae.
"Sooo.. do you want to date with me ba?" pagtatanong ko.
"Excuse me?" pagtatanong nito.
"Bakit ka ba nag-eexcuse me eh wala namang nadaan?" sagot ko.
Tumingin lang siya saakin. Alam ko namang natatawa siya sa joke ko, pilit niya lang itong pinigil. 'Flincher, konting konti nalang, mapapasagot mo na 'tong babaeng 'to!', sabi ko saaking sarili.
"Ano, titingin ka nalang ba diyan o ide-date mo ako?" pangungulit ko. "Alam ko namang gusto mo akong makasama eh, wag ka na mahiya!"
Nag-walk out siya. Bakit ba ako laging wino-walkout-an ng mga babae? Siguro, masyado lang akong cute too handle. Bahala sila, sinayang lang nila ang pagkakataong maging girlfriend ko. Well, hindi ko naman iyon kawalan noh!
Habang nagmomonologue ako sa isip ko about sa aking pagiging humble, bigla akong binatukan ni Eduardo.
"Para saan iyang pamamatok mo?!" galit na turan ko.
"Panira ka naman ng trip eh!" asar na turan ni Eduardo. "Nasa M.U stage na kami nun oh! Tapos bigla kang eentra ng mga kakornihan at kahanginan mo! Bro, akin na sana iyon oh! Yun na yun eh!"
"Asa ka namang magugustuhan ka nun? Eh ako nga winalk-outan, sa'yo pa kaya?"
"Hiya naman ako sayo at sa Elvis Presley mong get up!" pang-aasar niya. "Ang punto ko lang eh, kausap ko na yung babaeng hot na yun eh! Tapos bigla kang eepal! Panira ka naman ng trip oh!"
"Edi sorry! 'To naman ang bilis magalit!" sabi ko sabay alis, walkout kunwari.
***
Naglakad lakad ako sa loob ng bar na ito nang may nakita akong isang maliit na sulok kung saan may nakatagong maliit na painting sa loob nito. Isang babaeng nakangiti. Magandaang pagkakagawa nito.
"Ang ganda ng painting na 'yan noh?" sabi saakin ng isang matandang lalaking bigla nalang sumulpot sa eksena. " 'My Love' ang pangalan niyan."
Napatingin lang ako sakanya. Masyadong feeling close naman 'tong si manong. Hindi ko naman siya tinatanong pero nagkwento na agad.
"Sayang nga kasi hindi na iyan masyadong napapansin ng mga tao." sabi nito.
"Bakit, ano po ba dati 'to?" pagtatanong ko.





















No comments