Header Ads

Minahal Mo Ba Ako? : Chapter 13 (Last Chapter)



Ilang minuto,
Ilang oras,
Ilang araw,
Hindi ko alam. Hindi ko alam kung kailan ako ulit nagising.
Pero pagkamulat ko ng aking mata, nalaman kong nasa ospital na ako. Nanduon sina Poncho. Umiiyak. Doon na ako nagsimulang naghysteria.
"Si Kim?!" tanong ko, kung anu-anong pumasok sa aking isip.
"Flincher, masama yan sa-" putol na sabi ni Eduardo.
"Wala akong pakialam! Nasaan si Kim?!"
"Flincher,"sabi ni Poncho na umiiyak. "Patay na si Kim."
Tama ba ang narinig ko? Patay na si Kim? Patay na ang babaeng minamahal ko? Hindi. Hindi maaring mangyari to! Hindi siya maaaring mamatay.
"Flincher.. she saved you." Umiiyak na sabi ni Eduardo "Ginawa niyang panakip ang kanyang katawan para mabuhay ka. To save you."
"Nagbibiro ba kayo?!" sabi ko, ayaw kong maniwala sa sinasabi nila. "TELL.ME.THIS.IS.A.JOKE!"
Hindi sila umimik. Umiyak nalang sila. Hindi. Hindi pepwedeng mamatay ang babaeng pinakamamahal ko.
"Flincher," sabi ni Poncho. "Nung gabing iyon, may ibinigay sayo si Kim bago siya mamatay."
Binigay saakin ni Poncho ang key necklace ni Kim na lagi nitong suot suot, kahit na sa una naming pagkikita. Ano kayang halaga nito sakanya?
***
Nagkaroon daw ako ng minor sprain injuries, muscle tensions pero wala namang worst na nangyari saakin. Habang nakatulala, naalala ko ang mga huling sandaling kasama ko si Kim.
Naalala ko ang huling pagkakataong kasama ko siya. Kung hindi lang ako naging jerk, sana ngayon ay buhay pa siya. Sana ngayon ay magkasama parin kami. Sana ngayo'y nasabi ko sakanya kung gaano ko siya kamahal hanggang ngayon.
There are some things na hindi mo alam kung anong rason kung bakit nangyayari ang mga bagay bagay. Isa ito sa halimbawa ng sitwasyon na iyon. Bakit pa niya kailangang iwan ako?
All these things, all I've been and become, that is to satisfy her. Who I am right right now is just a cover para kahit ireject niya ulit ako, hindi na ako masasaktan ng lubusan.
Pero things doesn't work the way I planned.
She is now gone.
She is gone.
I missed her. I MISSED HER SO MUCH!
I lost her again. But this time, I cannot get her back.
***
Hanggang ngayo'y nasa ospital parin ako, nagpapagaling. Nagkekwentuhan kami nila Poncho nang may biglang kumatok sa aming kwarto. Pinagbuksan namin ito.
Pagkabukas namin ng pinto, bumungad saamin ang isang matandang aleng itinutok ang tingin saakin.
"Ikaw pala si Flincher" sabi niya. May dala dala itong paper bag na kanyang ipinatong sa mesang malapit saakin. "Ako nga pala ang nanay ni Kim."
"U-upo po kayo" sabi ko, nahihiyang tingnan siya sa mata. Alam ko kasing ako ang dahilan kung bakit namatay ang kanyang anak.
"Pwede bang muna kaming dalawa ni Flincher?" hiling ng nanay ni Kim kina Poncho. Pumayag naman ang mga ito.
"Flincher anak," hinaplos niya ang kamay ko at umiyak "Mahaaal na mahaal ka ng anak ko. Tandaan mo yan. At ginawa niya ang lahat para iwasang masaktan ka. Sa sobrang pagmamahal niya sa'yo, siya na ang kusang lumayo. Natakot kasi siya na baka hindi mo kayanin kapag dumating na ang araw na siya'y kukunin na ng Diyos. Bilang isang ina, pinagbigyan ko ang kanyang hiling na kami'y magpakalayo layo. Ang pagbigyan ang mga kahilingan niya lang kasi ang magagawa ko para maibsan man lang ng kahit konti ang sakit na nararamdaman niya. Para maramdaman niya na kahit magulo ang aming pamilya, ay nandito parin kami't handing making sakanya. Dahil mahaal na mahaal namin siya."
Anong ibig niyang sabihin?
"Flincher, bago ka pa niya makilala ay mayroon nang sakit si Kim. Ipinanganak siyang may butas ang puso. Araw araw ay nakikidigma siya rito. Araw araw ay unti-unting lumalala ang kanyang sakit. Dumating sa puntong hindi na niya ito kayang itago sa iba. Dumating sa puntong hindi na niya ito maitago saiyo."
Unti unting tumulo ang aking luha.
Bakit hindi ko ito napansin? Bakit hindi ko ito alam?
Bakit wala akong nagawa para sakanya?
"Pero hindi niya parin kayang mawalay sa'yo. Hinanap hanap ka niya. Doon siya nagpasyang kausapin ka ng matino. Sa pinakahuling pagkikita niyo'y duon niya sana sasabihin saiyo ang tunay niyang kalagayan. Dahil hanggang sa huli, ayaw niyang maramdaman mong iniwanan ka lang niya ng walang dahilan."
Unti unting tumulo ang aking luha.
"Flincher, binigay na ba ng mga kaibigan mo sa'yo ang key necklace ni Kim?" pagtatanong niya sabay kuha ng kanyang paper bag. Idinukot niya ang nilalaman nito- isang diary. "Iyon kasi ang makakapagbukas ng diary na ito. Iyon ang susi sa mga alaala niya. Ibinigay niya iyan sa'yo para humingi ng kapatawaran sa lahat ng kamaliang ginawa niya saiyo. Hindi man niya masabi ng personal ang buong katotohan, dahil dito sa diary at susing ito ay mas lalo mo pa siyang mauunawaan."
Ibinigay niya ang diary ni Kim saakin.
"Anak, mahal na mahaal ka ni Kim. Kaya kahit buhay niya'y kaya niyang isugal para sayo. Walang kapalit ang pagmamahal niya sayo.Kaya sana, sana lang anak, kung hanggang ngayon ay may galit ka pa saiyong puso, sana matuto kang magpatawad."
***


Binuksan ko na ang diary ni Kim. Sinusian ko ito gamit ang key necklace.
Every entry has its own unique story, minsa'y tungkol sa pamilya niya, minsan nama'y tungkol saakin. As I run through those pages, nagulat ako na may kadugtong pala ang storyang ginawa niya - storya tungkol kina Eliseo at Adora.
Noong unang panahon, gumawa ng magkaibang mundo ang diyos para sa dalawang haring hindi magkaintindihan- ang hari ng Buhay na si Nestor at hari ng Kamatayang si Romulus.
Pinagkasundo sila ng diyos sa pamamagitan ng isang kasunduang walang sinumang nilalang ang maaring lumabas sa kanilang mundo, maging sino pa man ito.
Ito ay para maiwasan na sumibol ang panibagong digmaan.
Naging mapayapa ang buong kalawakan dahil rito.
Ngunit hindi nila alam na may dalawang nilalang na sumusuway sa kasunduang ito.
Tuwing gabi, pasikretong lumalabas sa mundo ang prinsepe ng buhay na si Eliseo.
Gabi gabi kasi ay nakikipagtagpo ito kay Adora - ang nilalang na espesyal sakanya.
Nawalay siya rito dahil sa panahon ng digmaan, kung saan halos lahat ng nilalang ng kanyang tatay ay kinuha ni haring Kamatayan.
Buong gabi nilang sinusulit ang pagsasama nilang dalawa.
Nangangarap sila na balang araw ay mag-iisa ang kanilang mundo.
At kapag dumating iyon,nangako silang hindi na magkakahiwalay.
Dumating ang araw kung saan nalaman ni Haring Romulus ang pasikretong pagtatagpo nila Adora at Eliseo.
Ipinatawag niya si Adora.
Nalaman ng buong kalawakan ang nangyari kaya nama'y nakaabot kay Haring Nestor at Eliseo ang balita.
Sa sobrang galit ni Haring Nestor, inutos niyang ikulong ang kanyang anak sa kulungan ng kasamaan habang iniisip ang karampatang parusa para rito.
Dahil sa insidente, muling nagkausap ang dalawang hari. Tinalakay nila kung anong parusa ang ipapataw nila sa dalawang nilalang na lumabag sa kanilang kasunduan.
Dahil sa kanilang pag-uusap, napagpasyahang itapon ang dalawang nilalang na ito sa balon ng walang hanggan.
Binuksan na ni Haring Nestor ang lagusan sa balon.
Inihanda na rin ni Haring Romulus ang ritwal para sa pagpasok ng dalawa.
Tinignan ni Adora at Eliseo ang isa't isa.
Naghawakan sila ng kanilang kamay.
At pumikit.
Itinapon na sila sa balon.
Madilim sa loob ng balon. Walang hanggang kadiliman.
Magkahawak parin ang kanilang kamay.
Pilit na iniabot ni Eliseo ang isa pang kamay ni Adora sabay yakap rito.
Nagkatinginan sina Eliseo at Adora.
Hindi nila alam kung ano ang tamang eksplanasyon sa nararamdaman nila.
Basta, masaya silang magkasama. Magkayakap.
Nakukumpleto nila ang araw ng bawat isa.
Walang anumang parusa ang makakapagparusa sakanila.
Inilapat ni Eliseo ang kanyang labi sa labi ni Adora.
Naramdaman nilang dalawa ang matagal nang nawala sa kanilang mga mundo - ang pag-ibig.
Biglang nagliwanang ang lahat.
Maliwanag na maliwanag.
Hanggang sa hindi na sila makakita sa sobrang liwanag.
Hanggang sa mawalan sila ng malay.
Pagkagising, nagulat sila na nasa hindi sila kilalang mundo.
Mundong punong puno ng kagandahan.
Mundong sila lang ang nakatira.
Bumaba ang diyos ng karunungan sa harapan nila.
Sinabi sakanilang ang mundong kanilang tinatapakan ay kanila na.
Pagkat hindi sila nababagay sa mundo ng buhay o kamatayan.
Nababagay sila sa mundo ng pag-ibig na walang hanggan.
Nakakatuwang mabasa na mayroon palang happy ending ang storyang kanyang ginawa. Dito ko mas lalong nalaman na naniniwala talaga siya sa pag-ibig, naniniwala siyang 'may forever'.
Binasa ko pa ang kanyang ibang mga entries. Kinekwento niya ang lahat ng nangyayari sa kanilang bahay. Isinulat niya rin dito kung gaano siya kalungkot dahil sa mga problema ng kanyang pamilya. Nasa dulong parte na ako ng kanyang diary nang ako'y nabigla na mayroon pala siyang iniwang sulat para saakin. Binasa ko ito.
Flincher,
Unang una sa lahat ay gusto kong humingi ng tawad sa lahat ng mga maling ginawa ko sa'yo. I really am sorry for leaving you. Kinailangan ko lang talaga iyong gawin para hindi ka mas lalong masaktan. Mahal kita. Mas gusto kong kamuhian mo nalang ako. That way, hindi mo mararamdaman ang sakit ng pagpanaw ko.
Alam ko Flincher na kahit anong gawin natin, may mga bagay na hindi natin pepwedeng baguhin. Ang magagawa lang natin ay gawin ang lahat ng ating makakaya para ang konting araw na ipinagkaloob saatin ay huwag masayang.
Mahal kita Flincher, but if proving my love for you means letting you go, I shall set you free.
Do not be afraid to love again. Live your life well. Enjoy and treasure it. Cause you will never get back everything you have taken for granted.
I love you Flincher. At kahit mabuhay pa ulit ako, ikaw lang ang mamahalin ko. My love for you knows no time and limit. It will never end this way.
Please, if destiny gives you another chance, love again.
That's my last request.
I love you Flincher.
-Kim
I can't fight my own tears. I miss you Kim. I really do miss you..
Bakit mo pa ba kasi kailangang iwan ako...
***
Thursday, there's a mass for her.
Friday, last day to remember her.
Saturday, she will now rest in peace.
And righ now, Sunday, Kim........ is gone.... forever.
I will really miss you Kim.
***
**2 weeks later*
Nakatulala ako sa aming garden ngayon, iniisip parin si Kim. Up until now, I still the pain inside. Hindi ko pa ata kayang mag-let go. Ilang minuto ang nakalipas ay may kamay na dumapi sa aking balikat galing sa aking likod - kamay ng aking nanay.
Niyakap niya ako. Hindi ako nakapagsalita kaagad. Eto ang pinakahihintay ko- ang maramdaman kong anak niya ako. Unti unting tumulo ang aking luha. Umiiyak rin siya.
"I-im s-sorry, Flincher" sabi niya. "I-im really sorry kung hindi ako naging mabait na nanay saiyo. I know I don't have a good explanation for my actions. But right now, I want to make it up to you. I want to correct the mistakes I did in the past. I'm sorry for not acknowledging you as my son."
I love her. I love my mom.
"Kaya simula ngayon, whatever happens, I will be there for you." sabi niya. "Cause I am your mom. And I love you."
Hindi ko naman pala kailangang maging perfect para maging masaya. I just need to be myself. Yes, I need to improve myself but it doesn't mean I need to change every part of me. That makes me realize that I still need to be that old funny Flincher that makes people laugh. Because that is who I am.
Hindi ko din naman pala kailangang matutunan kung paano makapang-attract ng maraming babae. Dahil ang kailangang matutunan ng lahat ng tao ay kung papano magmahal. Because, Love and Attraction are two very different things.
***After 6 months***
Pumunta ako sa nag-iisang puno kung saan kami naaksidente ni Kim.
Inilagay ko ang diary niya sa isang kahon at ibinaon ito sa lupa.
"I will always remember you, Kim" sabi ko.
Nilagay ko ito dito dahil saksi ang punong ito sa pag-iibigan naming dalawa.
She will always be in my memory. She will always be someone special to me.
Nang maibaon ko na ito sa lupa, may tumirik na kotse sa gilid ng kalsada. Napakaganda ng kostse nito.
At..
At...
May lumabas na magandang babae. She is a blonde girl with glossy white skin and red lips. She also has that sexy body that is so hot that will make men go hungry for her attention.
Habang nakatingin siya saakin, parang may bumubulong sa aking tenga, "Please, if destiny gives you another chance, love again. That is my only request"
"Uhm, excuse me" tanong nung babae. Hindi ko namalayang nasa harap na niya pala ako. "Can you help me fix my car? Pleaaase?"
I stared at her.
She's the girl in my dreams whom I thought was Kim.
She smiled at me waiting for my reply.
In this Tree....
In this road....
On this day..
Destiny gave me another chance.
*THE END*

Thank you for reading my story!



No comments