Header Ads

Minahal Mo Ba Ako? : Chapter 12



3 MONTHS LATER
"Sir, ready na po ba kayo?" sabi ng stage manager.
Tumango lang ako.
"Sir, kayo na po ang susunod."
"Okay." sagot ko.
Nasa isang malaking event ako ngayon. Isa kasi ako sa napili ng isang teen magazine na mapabilang sa kanilang listahan ng bilang isa "hottest teen in our generation". Ito ay base sa mga votes ng iba't ibang students sa iba't ibang universities.
Pumasok na ako sa stage at ngumiti. Nagsigawan silang lahat. Huminto ako sa center at tinanggal ang butones ng pantalon ko't itinaas ang garter ng aking brief. Mas lalo silang naghiyawan.
Lumakad ako papuntang front stage at hinubad ang aking damit. Pinahiran ako ng mga chiks ng oil sa buong katawan. Naghiyawan uli ang mga tao. Tuwang tuwa ang mga ito.
Pagkalabas ko ng stage ay kinograntulate ako nina Poncho. Kasama ko kasi sila sa backstage bilang supporter ko.
"Pare, iba ka talaga! Haha! Natalo mo na ko!" sabi ni Poncho. "Nagkakagulo sa'yo ang mga chiks! Ang ganda ng epekto ng araw araw mong paggygym ah! Ganda ng six pack abs natin ah!"
"Nung naghubad ka ng damit, kulang nalang eh hatakin ka ng mga chiks eh!" sabi ni Eduardo. "Iba ka na talaga pare! Haha!"
"Salamat dahil hanggang ngayo'y sinusuportahan niyo parin ako, pare." sabi ko.
"Walang anuman, pare." sabi ni Poncho. "Oh ano, tara gimik?"
"Game?" tanong ni Eduardo.
"Game!" sagot ko.
***
Nasa loob kami ngayon ng partyhouse. Mas madami ang inimbitahan ko ngayon, gusto ko kasing mas maraming chiks ang makita't makiss.
Over the last few months, I gained the confidence that I'm looking for. That's the reason why I'm always at the top of my game.
"Pare, this is a one wild partyyy!" sigaw ni Poncho habang sinasayawan ang isang babae. Tuwang tuwa ito dahil napapalibutan siya ng magagandang chiks.
"Flincer, care to dance with me?" pagfi-flirt ng isang babae. Hinawakan niya ang aking dibdib na tipong nang-aakit. It makes me hot.
"Sure." sabi ko sakanya sabay ngiti.
Sumayaw kami sa loob ng dancefloor. Halata namang she's into me but I'm not into her. Hindi ko kasi gusto. Ilang minuto pa''y nagkunwari akong may kailangang tawagan sa cellphone. Iniwanan ko siyang mag-isa sa dancefloor. Mga ilang minuto pa ang nakalipas ay ako naman ang naghanap ng maisasayaw sa dancefloor.
Marami akong nakilalang babae, oo, pero ni isa duon hindi ko minahal.
Fortunately, naging bato na ang aking puso.
***
Ang bilis ng panahon. Last day na namin sa school. Sa wakas ay matatapos na ang napakagulog first year ko sa school na ito.
Palabas na sana ako ng gate nang bigla akong hinarang ni Poncho.
"Pare!" sabi niya, tipong gulat na gulat.
"Ano?!" pagtatanong ko.
"Pare!" sabi niya uli.
"Ano ba kasi yung sasabihin mo?" pagtatanong ko. "Pwede bang wag mo kong pakabahin?!"
Ilang minuto pa'y tumakbo papunta saakin si Eduardo.
"Tol!" sabi niya, hihingal hingal sabay tingin kay Poncho. "Pare!"
"Pare, alam mo na ba?" pagtatanong ni Poncho kay Eduardo.
Tumungo si Eduardo. "Oo pare, alam ko."
"Ano ba kasi yon?!!" pagtatanong ko, kinakabahan sa kung anong sasabihin nila.
"Pare, wag kang magugulat ha." sabi ni Poncho.
"Isa pa at dadagukan ko na kayo!" sigaw ko. "Ano ba kasi yon?!"
"Pare, nandito si Kim.." sagot ni Eduardo. "At gusto ka daw niyang kausapin.
***
Nagulat ako sa sinabi ni Eduardo. Nanlanta. Ano kaya ang dahilan kung bakit biglang nagpakita si Kim. Ano kaya ang sasabihin niya?
Nag-flashback saakin ang lahat. Naaalala ko ang lahat ng pagdurusang napagdaanan ko dahil sakanya. Galit ako sakanya. Galit na galit.
I don't need any of her explanation. I don't wanna be that old Flincher anymore. I don't wanna go back to where I started.
Nagmadali akong lumabas ng university. Sa aking paglabas, nakita ko siya.
'Kim, bakit hanggang ngayon ay may nararamdaman parin ako para sa'yo?', tanong ko sa aking sarili. Hindi ko parin magawang sabihin sa aking sarili na hindi ko na siya mahal. Dahil mahal ko parin talaga siya.
Napahinto ako sa aking kinalalagyan, nakatingin sa kanya.
She lost weight.
She looks so pale.
She looks so sad.
Ayoko nang tuluyang bumalik ang nararamdaman kong pagmamahal sakanya kaya this time, I need to be tough. Gusto kong iparamdam sakanyang hindi ko na siya gusto. At kahit kaila'y hindi ko na siya magugustuhan. Dahil nag-iba na ako.
Tumakbo ako papalabas ng university.
"Flincher... Flincher saan ka pupunta?" Sabi ni Kim.
'Ayaw ko na siyang makita muli. Ayaw ko nanamang maramdaman ang sakit na naramdaman ko noong mga panahong iniwan niya ako. Ayaw ko nang bumalik sa dating ako.'- paulit ulit kong sinabi sa aking sarili.
"Flincher, teka lang!"sabi ni Kim.
Nasaan na ba sina Poncho? Bakit hindi nila ako sinundan?
"Flincher san ka ba pupunta?!" pagtatanong niya.
Hindi ako nakapagpigil. Kailangan kong ilabas ang sama ng loob ko sakanya para tigilan na niya ako.
"Pwede ba! Ikaw ang dahilan kung bakit gumulo ang buhay ko! Ayoko nang makita yang pagmumukha mo!" sabi ko.
"Flincher....." sabi niya habang umiiyak "Sorry. Sorry talaga."
"Sorry sorry punyetang sorry yan! Kung pwede lang sanang maayos ng sorry mo ang lahat eh di sana hindi ko na nararamdamam ang sakit na ginawa mo pero hindi eh! Nandito parin ang sakit." sabi ko sabay turo saaking puso. "Kahit anong gawin ko, hindi parin siya naghihilom."
Ngayon ko lang namalayang umiiyak na pala ako. Lahat ng hinanakit ko, nasabi ko na sakanya.
Umalis nalang ako at tinalikuran ko siya.
Agaran akong pumasok sa loob ng aking kotse at pinalabas si Mang Ben.
"Lumabas ka diyan, ako mag-isa ang magda-drive!" pasigaw kong turan kay Mang Ben.
Pinaharurot ko ang kotse papalayo sa lugar na iyon.
***

Masyado pang maaga para sa mga clubs pero pumasok padin ako.
Gusto kong magliwaliw kaya naman ako'y uminom nang uminom. Ilang oras lang ang nakalilipas nang maramdaman ko ang pagkalasing.
Nakipagsayawan ako sa iba't ibang babae habang pilit kong kinakalimutan siya. Gabi na nang ako'y nagpasyang lumabas ng club. Pagkalabas ko ng club, nakita ko si Kim, hinihintay ako.
"Ba't nandito ka?" sabi ko sakanya.
"Flincher..."
Pumasok sa loob ng kotse nang hinarang ako ni Kim.
"Flincher, sasama ako sayo." sabi niya.
"TUMIGIL KA NGA!"
"Sasama ako sayo. Pagbigyan mo akong sumama saiyo at I-explain ang side ko. At pagkatapos nito, it will be over." sabi niya. "Hindi na kita guguluhin Flincher. Just let me be with you this night"
Nung sinabi niya iyon, natauhan ako, dahil pagkatapos nito, iiwan na niya ako ng tuluyan.
There's something in me that says I still want to be with her. I love her. I don't wanna lose her again. So I accepted her request.
San ba kami pupunta? Saan ba ako pupunta?
"Flincher, wag masyadong mabilis!"sabi ni Kim.
I'm dizzy right now. Siguro ito yung epekto ng alak.
"Why were you at the club?!" Tanong ko kay Kim.
"Sinundan kita, because I'm afraid na baka hindi na kita makita ulit. Na baka umalis ka nanaman ng bansa"
I'm really dizzy now. Pagewang gewang kami.
"Flincher look out!" Sabi ni Kim.
Niyakap niya ako nang mahigpit na mahigpit. Nagdilim bigla ang aking paningin habang ako'y binubusinahan ng kotseng nasa harap ko.
Next thing I knew... is that we hit a tree.

Continue Reading: Chapter 13




No comments