Header Ads

Minahal Mo Ba Ako? : Chapter 11


Ilang araw na din akong hindi nagpapakita kina Poncho kaya nama'y pinuntahan nila ako dito sa warehouse.
"Pare, alam naming masakit ang pinagdaraanan mo ngayon pero ayaw rin naman naming makita kang ganyan." sabi ni Poncho. "Look at you, you are so wasted right now!"
"Oo nga pare, nag-aalala na talaga kami sa'yo." sabi ni Eduardo. "Kung hindi mo maayos ang relasyon niyong dalawa ni Kim, atleast ayusin mo naman ang sarili mo para sa mga taong nag-aalala saiyo."
Hindi ako umimik. Wala din naman akong ganang makipag-usap. Wala rin naman akong sasabihin sakanila.
"Pare naman oh, hanggang kailan ka ba magiging ganyan?" pag-aalala ni Poncho. "Hanggang kailan ka ba magmomove on?"
"Ang dali lang sabihin ang salitang move on sa'yo noh, Poncho?" sagot ko. "Dahil para sa'yo, madali lang makahanap ng babaeng mamahalin eh. Madami kasing nagkakagusto sa'yo eh/ Buti ka pa. Kaya hindi mo alam ang pinagdaraanan ko. Kaya hindi mo alam kung bakit ako nagkakaganito."
"Dude, alam namin-"
"No, hindi niyo alam. Hindi niyo alam kung gaano kasakit tong nararamdaman kong ito. Siya lang ang minahal ko nang ganito. Pero siya rin ang dumurog saakin. Ni hindi ko nga alam kung bakit siya lumayo eh. Ni hindi nga niya ako sinabihan kung bakit siya kailangang umalis as if wala akong halaga sakanya. Minahal ko siya... pero iniwanan niya lang ako." sagot ko.
***
"Sir, nandito na po ang mama mo." sabi saakin ni Mang Ben habang kami'y papasok ng mansyon. Nakalimutan kong ngayon pala uuwi ang mama, este si Jannah, sa aming mansyon para sa mga business meetings ng aming kumpanya.
Papasok na ako sa loob ng mansyon, nakita ako ni Jannah ngunit hindi niya ako pinansin, nagpatuloy lang ito sa pagvi-video call sakanyang mga anak sa ibang bansa.
Nasanay na rin naman ako na ganito ang set up namin lagi tuwing uuwi siya dito. Nakakalungkot nga lang isiping mayroon nga akong nanay pero hindi ko naman maramdaman na mahal niya ako. Na gusto niya akong makausap. Na sabik siyang kausapin ako. Hanggang ngayon, nangangarap parin akong magkaroon ng kahit isang araw na kausapin niya ako bilang isang anak.
Pumasok na ako sa loob ng aking kwarto, iniisip ko parin si Kim. Nalulungkot akong eto ang kinahantungan namin. Nalulungkot din akong hindi man lang siya nagpaalam saakin. Sa kabilang banda, natatakot din ako dahil baka may nangyari sakanyang hindi ko alam. Gusto ko ng kasagutan. Gusto kong malaman ang sagot sa mga tanong ko.
***
Napaklaro nanaman ng lahat ng nangyayari sa panaginip ko. May isang babaeng nakangiti saakin. Hindi ko masyadong makita ang kanyang mukha, basta ang alam ko'y nakangiti siya. Nasa isang malaking puno kaming dalawa. Sinubukan kong tingnan siya nang lubusan ngunit bigla itong nawala. Biglang nagbago ang lahat.
Nasa kotse ako ngayon, umuulan. Kasama ko si Kim. Hindi ko alam kung saan kami pupunta. Hindi ko alam kung nasaan kami ngayon. Tinignan ko ang kanyang mukha.
"Kim, nasaan ka?" tanong ko sakanya.
Nakatingin lang ito saakin, walang sinagot saakin.
The next this I knew is I'm awake again.

***
Ilang linggo pa ang nakalipas. Ilang linggo akong parang tangang hinahanap ang isang taong ayaw magpahanap. Tinanong ko sa kanyang mga kaibigan kung nasaan siya, ngunit ni isa sakanilang walang kaalam alam sa kung nasaan ito.
Hanggang sa napagod nalang ako. Hindi ko na kaya. Hindi ko na rin alam kung saan ko pa siya hahanapin. Hindi na rin yata masasagot ang mga tanong ko sa kanyang biglaang pagkawala.
That's the time when I completely accept the fact that I lost her.
And that's the time I completely accept the fact that no one would really love me.
Eto yung pagkakataong ramdam kong isa lang akong malaking basurang maaring itapon ng kahit sino. And I want to prove them wrong.
I want a revenge.
***


This is the last few weeks before the second semester. I want to completely change who I am right now. I went to some summer schools that will help me boost my confidence as a person. I went to different kinds of bars so I'll know how to mingle with lots of girls. Along the process, I know that I am becoming more of who I am not. And I like it.
Yes, I still feel the pain, but that's the main reason why I am stronger right now. Hindi na ako ang Flincher na maaring itapon nalang basta basta. Instead, I will be that person to dump them if I want to.
***SECOND SEMESTER***
I am riding my own red luxurious car right now. Handa na akong ipakilala sakanila ang bagong Flincher na hindi pa nila nakikilala.
I stepped out of the car, not looking at those people staring at me. Laking gulat nila Poncho nang makita nila na ako ang palabas ng kotseng iyon.
"Pare? Pare!" sigaw ni Eduardo. "Naks pare, astig ng pormahan natin ngayon ah! Anong nangyari? Haha!"
"Pero seroso pare, nagulat kami sa'yo. Good job! Nag-iba ka na! Haha!" sabi ni Poncho. "Yan pala ang dahilan kung bakit hindi ka man lang nagpaparamdam saamin!"
Ngumiti lang ako sakanila.
"Ayyy grabe! Pumorma lang ng ganyan eh nakalimutan na ang kanyang tropa oh!" batok saakin ni Poncho.
Tumawa ako. "Pare, makakalimutan ko ba kayo? Eh kayo na lang ang meron ako noh." sagot ko.
"Naks pare! Ang korni mo! Hahaha!" batok saakin ni Eduardo.
"Isa pang batok niyo't ako ang babatok sainyo!" pagbibiro ko. "Siya nga pala, naalala niyo ba ang warehouse na binili ko? Nirenovate ko na yun para pwede tayong magparty duon with some girls! Tatawagin ko itong 'The Stage'! Punta kayo sa opening nito sa Saturday ha! Free drinks mga tol!"
"Talaga? Ang astig! So ano yun, gagawin mo nalang na party house?" pagtatanong saakin ni Eduardo.
"Oo, pero pili langa ng papapasukin ko dito. Tayo tayo lang with some hot girls. VIP party lang iyon mga tol."
"Ahh okay, sige ba! Sasama ako! Basta pangako mong mga chiks yung papapuntahin mo ha!" sabi ni Poncho.
"Ako pa ba?" sagot ko. "Just trust me guys."
***
Masaya sa loob ng VIP party. Maingay. Panandalian nitong tinatanggal ang aking kalungkutan. Kasama ko sina Poncho, umiinom ng alak.
"Pare, the best 'tong ginawa mo na 'to!" sabi ni Poncho.
"Ako pa ba? Haha. "sabi ko.
"San mo nga pala nakilala 'tong mga chiks na 'to?" pagtatanong ni Eduardo.
"Sabi ko nga sainyo, marami akong iba't ibang connections, haha." sagot ko. "Yung iba diyan ay mga pinsan ko kasama ang mga kaibigan nila."
Masaya sa loob ng partyhouse. Magulo. Walang panahon para magdrama.
Ganito ang gusto ko.
***
I got really drunk. I am wasted and can't control myself right now. Umiikot ikot ang lahat ng bagay na nasa paligid ko. Maraming tao ang nakatingin saakin ngayon.
"Kim! Kiiim!" sigaw ko. "Nasaan ka ba?!" sigaw ko. "NASAAAN KA BA?!"
"Pare." lapit saakin ni Poncho. "Pare, mas mabuti yatang ihatid ka na namin ni Eduardo sainyo. Tatawagin na namin si Mang Ben."
"B-baket?!" pagtatanong ko. Nahihilo ako kaya medyo nahihirapan akong magsalita. "Nagsasaya pa naman tayo dito ah! Bakit nating kailangang umalis? Ha?! Wag mong sabihing pati kayo'y ikinakahiya ako?! Ano pare? Kinakahiya niyo ako?"
"Hindi naman sa ganun pare-" depensa ni Eduardo.
"Ang sabihin niyo, ikinakahiya niyo talaga ako!!"sigaw ko. "Wala namang taong may gusto saakin d-diba? Ni nanay ko nga walang pakealam saakin, k-kayo pa kaya? Eh baka nga kaya niyo lang ako s-sinasamahan eh dahil MAYAMAN ako?! Ganyan naman kasi ang mga tao eh, sasama lang saiyo kapag may nakukuha!"
"Pare, tumigil ka na." sabi ni Poncho sabay akay saakin. "Tumigil ka na."
"B-bakit niyo ba ako gustong umuwi? A-ayaw ko pa ngang umuwi!" sigaw ko sabay tulak kay Poncho. "T-tara, inom pa tayo!"
"Pare, buhatin na nga natin 'to!" utos ni Poncho kay Eduardo.
Sinubukan nila akong itulak pero pumalag ako.
"Flincher, party's over!" pag-awat saakin ni Poncho. "Tara na!"
Ibinuhat nila akong dalawa sa loob ng aking kotse. Masyado na yatang malakas ang tama saakin ng alak kaya nama'y hindi ako nakapalag.
***
"Oh my gosh, what happened to you?!" sigaw ni Jannah. Papasok na sana ako ng mansyon nang bigla niya akong hinila palabas ng aming garden para sermonan. "Ano nanaman ang katarantaduhan ang ginawa mo? Minsan na nga lang ako umuwi dito, ganito pa ang daratnan ko?!"
Wala akong panahon para makipag-usap sakanya, papasok na sana ako ng bahay nang bigla niya akong hinila na naging dahilan upang ako'y tumumba. Akmang itatayo na sana ako ni Mang Ben nang ako'y pumalag.
"Kaya ko 'to!" sigaw ko kay Mang Ben. "Hindi ko kayo kailangan!"
"Ikaw na bata ka, siguro kung anu-anong mga kalokohan ang ginawa mo habang wala ako dito noh?" sigaw ni Jannah habang hinihila ang aking buhok. "Tarantado ka talaga! Wala ka talagang magawang matino! Bagsak bagsak na nga sa mga subjects mo base sa mga report cards na nakuha ko, lasinggero ka pa! Wala ka talagang kwenta!"
"Wow. Ang galing mong magsalita nang ganiyan." sabi ko. "Ikaw, ni minsan ba'y naging nanay kita?! Ni minsan ba pinaramdam mo saaking may nanay ako?! Tapos ang lakas lakas mong sabihin saaking wala akong kwenta? Buong buhay ko, hinanap ko ang kalinga ng isang nanay, pero nasaan ka? Di ba masaya kang kasama iyang lalaki mo?! Di ba?!!"
Hindi ko mapigilang umiyak.
"Alam mo ba kung bakit ako nagkakaganito?" pagpapatuloy ko. "Nagkaganito ako dahil iniwanan ako ng babaeng akala ko'y mahal ako! Akala ko kasi, siya na ang magpaparamdam ng pagmamahal na hindi ko naranasan sa'yo, na hindi ko naramdam sa'yo. Hindi pala. Katulad ka rin pala niyang iiwanan lang ako nang basta basta."
Hindi ito nakaimik kaagad. Nagmadali akong pumasok sa loob ng aking kwarto.
***
Itinapon ko lahat ng mga bagay na maari kong itapon. Sumigaw ako ng sumigaw. Galit na galit ako sa sarili ko dahil hanggang ngayon.. mahal ko parin siya. Mahal ko parin sila.
Bakit ba nila ako laging iniiwanan? May mali ba saakin? Ano ba ang pagkukulang ko bilang isang anak? Ano ba ang pagkukulang ko bilang isang kasintahan? Binigay ko naman ang lahat, saan ako nagkulang?
Ayoko nang maniwala na mayroong pag-ibig. Ayoko nang maniwalang may magmamahal saakin. Gusto ko nang gawin bato itong puso nang hindi ako masaktan. Tama na. Sobra na. Ang sakit na.
Hindi na ako papayag na masaktan muli..
Magbabago na ako.
Continue Reading: Chapter 12




No comments