Header Ads

Minahal Mo Ba Ako? : Chapter 10



Pinaghandaan na namin nila Poncho ang gagawin ko this Saturday.
"Eduardo, habang nasa loob kami ng restaurant si Flincher, kailangan mong kidnappin si Kim sa warehouse, okay?" pagpaplano ni Poncho. "Piringan mo siya't wag mong papayagang makapalag ito. Siguraduhin mo ding hindi siya masasaktan sa gagawin natin."
"Okay, noted pare!" pagsang-ayon ni Poncho saaming plano.
"At ikaw Flincher, siguraduhin mong pupunta si Kim sa inyong warehouse, okay?" utos ni Poncho.
"Oo sige." sagot ko.
Handang handa na kami para sa araw na iyon.
Ano kaya ang kakalabasan nito?
Mapapa-oo ko kaya siya?
***
Nasa loob kami ngayon ng isang restaurant na inarkilahan ko para sa event na ito. Naglagay kami ng umiilaw na baloons sa entrance na magsisilbing pathway hanggang makalapit siya saakin.
Sa loob naman ng restaurant ay naghanda ako ng isang malaking formation ng candles in a shape of heart. Dito ko ipaparamdam kung gaano ko siya talaga kamahal.
Isang linggo din namin itong pinagplanuhan, sana nama'y maging maayos ang lahat.
Nakasuot ako ngayon ng coat ang tie. Nagpa-groom din ako sa kilalang barber shop para nama'y magmukha akong gwapo sa paningin ni Kim. Nagsipilyo din naman ako ng ilang beses para fresh breath ako habang umaamin ako sakanyang gusto ko siya.
Sa sobra kong kaba'y hindi ako makagalaw, parang napapako ang aking mga paa sa iisang lugar. Ramdam ko rin ang pamumula ng aking mukha.
Napansin ito ni Poncho kaya nama'y nilapitan niya ako.
"Pare, andyan na daw sila Kim." sabi ni Poncho sabay ngiti saakin.
Ilang minuto pa ang nakakalipas nang pumasok si Eduardo sa restaurant. "Ang gwapo ng pare ko ngayon, oh!" pagbati nito.
"Nasaan mo iniwan si Kim?" pag-usisa ni Poncho.
"Nasa van siya ngayon, nagwawala. Haha." sagot nito. "Akala niya kasi'y kinidnap siya talaga eh, haha!"
Lumingon saakin si Poncho. Natawa ito nang makita niyang namumula ako.
"Ano pare? Handa ka na ba?" pagtatanong nito saakin. "Parang malalagutan ka na ng hininga ah! Inhaaaale... Exhaaaale! Haha!"
"Pare, pwede ka pang magback-out kung gusto mo!" pang-aasar ni Eduardo.
Binatukan ko silang dalawa. "Mga baliw talaga kayo! Hinding hindi ako magba-backout noh!"
Tinawanan lang nila ako.
Napakalakas ng kabog ng dibdib ko. Ngayon ko lang ito naranasan sa buong buhay ko. Hindi ko alam kung anong isasagot niya saakin. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa gabing ito.
Gusto ko siya. Gustong gusto. Siya ang dahilan kung bakit ako masaya. Siya ang dahilan kung bakit ako nakakangiti nang ganito. Hindi ko na siya papakawalan. Hindi ko siya kayang pakawalan.
"Oh, nahihiya lang yata 'tong magback-out oh!" pangungulit ni Eduardo. "Ano pare? Baback-out ka na?"
"Siraulo ka ba, pre? Hinintay ko 'tong moment na 'to noh! Ngayon pa ba ako magbaback-out?!" sagot ko.
"Is that your final answer?" pang-aasar na tanong ni Poncho.
"Final answer na talaga, tol!" sagot ko.
"Nice one bro! Binata ka na talaga! Haha!" sabi ni Eduardo sabay batok saakin.
Pinatay na nila ang lahat ng ilaw.
Pinasok na nila ang babaeng importante saakin- si Kim.
"Ano ba 'tong pakulong 'to?!" sigaw ni Kim, hawak hawak siya nina Rhia, inilapit siya saakin. "At bakit pa kasi ako kailangang piringan?! Nako, Flincher! Alam kong ikaw lang ang gagawa nito saakin, noh! Patay ka talaga saakin kapag nakita kita!"
Napapangiti ako. Eto ang babaeng nagustuhan ko. May pagka-buang. Sabagay, pareho naman kaming buang kaya compatible talaga kami sa isa't isa.
"Sige na, tanggalin mo na ang iyon piring." sabi ko sakanya. "Napaka-arte naman nento, piniringan ka lang naman eh!"
"Sabi ko na nga ba eh, ikaw lang 'tong gagawa ng kalo-" putol niyang turan.
Pinatugtog na ang biyulin. Tumingin ako sa kanyang mga mata. Nabihag ako nito.
Napatingin din siya saakin, halata masayang masaya.
"Pwede ba kitang maisayaw?" pagtatanong ko. "Gusto ko lang kasing masayaw ang prinsesa ng buhay ko."
"Pagkatapos mo akong sabihan ng maarte eh papaandaran mo ako ng kakornihan mong 'yan? Nako Flincher, wag ako!"
"Pwede bang kahit ngayon lang ay umayos ka? Tumino ka naman oh. Sinisira mo ang moment natin eh."
"Ano bang pinagsasasabi mo, Flincher? Ano ba 'tong pakulong 'to? May pa-kandila ka pang nalalaman, pag nasunog'tong restaurant na 'to, ikaw magbabayad ha! "
"Ang dami mo namang sinabi. Pwede bang ako muna ang magsalita? Pwede ba yun?" sabi ko. "Hindi mo ba nararamdaman ang romantic atmosphere, ibig sabihin dapat kiligin ka naman kahit papano, hindi yung pagkasunog ng restaurant yung iniisip mo! Napakapaurong mo talaga mag-isip!"
"Eh ano nga kasi yang sasabihin mo?!"
Tumingin ako sakanya nang matagal.
Shocks, parang biglang umurong ang bibig ko sa kaba!
Nakatingin rin siya saakin, tila naghihintay sa kung anong sasabihin ko.
Eto na talaga 'to, eto na talaga ang tamang panahon.
"Kim.." sabi ko. "Matagal ko na'tong gustong sabihin sa'yo."
"Napakabagal naman nentong magsalita! Ano ba kasi 'yon?"
"Kim..." sabi ko.
Nakatingin parin siya saakin, naghihintay ng sagot.
Inhale...
Exhale...
Eto na talaga 'to!
"Ano, Flincher? Magtatawagan nalang ba tayo ng pangalan?" pagbibiro nito.
Hinawakan ko ang kanyang mga kamay at kami'y nagsayaw.
"Kim.." sabi ko, ninenerbyos. "I.. Like... You.."
Napatingin siya saakin ng matagal saka ngumiti.
"Sooo, kaya mo pala ako pinakidnap dito ay para sabihin saaking gusto mo ako?" curious na tanong nito.
"O-oo." sagot ko. "Hindi ko kasi alam kung papaano kita maide-date eh. Ang dyahe kaya, ngayon lang kasi ako nagkaganito."
Ngumiti si Kim. Niyakap ako.
"I like you too, Flincher." sabi nito saakin habang siya'y nakayakap saakin.
Ito ang pinakamasayang araw ng buhay ko - ang maramdamang mahal ako ng mahal ko.
***


**SEMBREAK**
Napakabilis nagsimula. Napakabilis ding nagtapos. Hindi ko alam kung saan ako nagkulang. Hindi ko alam kung bakit bigla niya akong iniwan.
Naalala ko pa ang mga masasayang araw namin. Yung mga araw na nasa labas lang kami ng aking mansyon, pinapanuod ang mga bituin sa langit.
Naalala ko pa ang mga kulitan namin sa warehouse na ginawa naming tambayan. Mga masasayang kwentong naging dahilan upang ako'y mas lalong mahulog sakanya.
Naalala ko pa ang huling pagkikita namin.
*flashback*
Nasa concert kami ngayon ng isang sikat na banda. Napakasaya ng lahat ng tao. Nakatingin ako kay Kim. Halata mong tuwang tuwa ito. Matagal na din daw niya kasing hinintay na mapanuod itong bandang ito ng live.
Ilang minuto pa'y tumingin na rin siya saakin. Ngumiti ito't niyakap ako.
"Thanks, Flincher." sabi nito saakin. "Thanks sa lahat ng effort mo saakin."
"Walang anuman." sabi ko. "I love you, Kim."
"Ikaw lang ang mamahalin ko, Flincher." sabi nito.
In this moment, naramdaman kong we will love each other forever. Alam kong siya ang babaeng mamahalin at aalagaan ko dahil alam kong mahal na mahal ko siya at gagawin ko ang lahat para mapasaya siya.
Patapos na ang concert. Pinanuod naming ang engrandeng fireworks display nito. It felt magical. This is one of the greatest moment of my life- being with someone that I love.
*flashback ends*
And now, she's gone.
After that concert, hindi na ito pumasok ng university. Nag-deactivate na din ito ng social media accounts at cannot be reached ang kanyang cellphone number. Hindi ko masagot ang tanong ng mga kaklase ko kung anong nangyari kay Kim. Hindi ko alam kung bakit siya biglang umalis.
Hinanap ko siya. Hinanap ko siya kung saan saan. Pinuntahan ko ang kanilang bahay ngunit wala nang nakatira doon. Ilang linggo na daw nakalipat sila Kim sabi ng kanyang mga kapitbahay.
Nasa loob ako ng warehouse ngayon, hindi mapigilang umiyak. Ito kasi ang naging simbolo ng pagmamahalan naming dalawa. Dito namin tinayo ang pundasyon ng pagmamahalan naming dalawa. Dito namin binuo ang aming mga pangarap.
Ngunit ngayo'y bigla nalang siyang nang-iwan nang walang dahilan.
*flashback*
Nasa loob kami ngayon ng warehouse ni Kim, nakasandal ang kanyang ulo sa aking balikat habang nanunuod kami ng romantic movie.
"Flincher, if ever na tayo parin hanggang huli, ilang babies ang gusto mong magkaroon tayo?" pagtatanong nito.
"It depends kung ilang babies ang gusto mo?" sagot ko. "Bakit? Gusto mo bang bumuo na tayo ng baby ngayon?"
"Siraulo ka!" sabi nito sabay batok saakin.
Tumawa ako. "Bakit? Masama bang magtanong? Haha!"
"Ewan ko sayo!" sigaw nito. "Pero kung ako ang papipiliin, gusto kong dalawa lang. Isang lalaki't isang babae. Para ako ang mostly mag-aalaga sa babae at ikaw naman sa lalaki, ayos di ba?"
"Kung yun ang gusto mo, okay lang din yun saakin." sabi ko. "Pero ako mas prefer kong isang dosenang anak. Haha!"
"Hindi mo ako papatigilin sa panganganak?? Haha baliw ka talaga!" sabi nito.
"Like I said, yun ang preferred ko. Pero kung gusto mong dalawa lang, okay na din naman iyon saakin." sabi ko. "Basta kung ano ang gusto mo, gusto ko na din. After lang ako kung saan ka masaya. Because I love you Kim."
"And I love you, Flincher." sabi nito sabay kiss saakin.
Ako na ang pinakamaswerteng tao sa mundo.
*flasback ends*
Nakatingin ako sa isang sulok, sinasagot ang iba't ibang tanong na pumapasok saaking isip.
Hindi pa ba kita napasaya, Kim?
Hindi ko pa ba naparamdam sa'yo kung gaano kita kamahal?
Ayokong nakikita kang nasasaktan. Ayokong nakikita kang nahihirapan. Ayokong nakikita kang malungkot. Mahal kita. Mahal na mahal. Pero bakit hindi ito naging sapat sa'yo?
Sinabi mo saaking mahal mo ako. Sinabi mo saaking ako lang ang mamahalin mo. Anong nangyari? Anong nangyari sa mga pangako natin sa isa't isa? Bakit tayo nagkaganito? Bakit mo ako iniwan?
Minahal mo ba talaga ako, Kim? O pinaglaruan lang?
"BAKEEET?!! BAKIT KIM?! BAKIT MO AKO INIWAN NANG GANITO?" sinuntok suntok ko ang pader, hindi mapigilang umiyak. Gusto kong hanapin ang sagot sa mga tanong ko, pero huli na yata ang lahat. Dahil mas pinili niyang iwanan ako.

Continue Reading: Chapter 11





No comments