Header Ads

Minahal Mo Ba Ako: Chapter 1

Once upon a time, mayroon isang gwapong nilalang na nagngangalang Flincher na may dalawang average looking na kaibigang nagngangalang Poncho at Eduardo. Simula palang noong unang araw ng eskwela ay naging close na sila sa isa't isa dahil sa kaangasang taglay ng gwapong nilalang na iyon. Humanga ang kanyang dalawang kaibigan sakanya dahil nasa kanya na ang lahat- the looks, the fame, the 'coolness' and most importantly, ang pagiging humble.
Papasok na kami ngayon sa Bonus University, ang aming paaralang tahanan ng iilang mga sikat na mga estudyanteng tulad ko. Nakakatuwang isiping kapag ako'y papasok ng aming paaralan eh lagi akong center of attraction. Madalas kasi akong binubully ng mga bashers ko, pwera payat daw ako, o di naman kaya'y mukha daw akong hindi naligo, you name it! Lahat na nasabi nila saakin! Hay, ang hirap talagang maging sikat!
"Flincher, handa ka na ba saating gala mamaya?" pagtatanong saakin ni Poncho.
"Sensya na pero marami kasi akong naging activities these past few days kaya hindi ko naalalang may gala tayo. Saan nga pala tayo pupunta?" pagtatanong ko.
"Andami naman nentong sinabi!" sabi ni Eduardo. "Di ba ngayon tayo pupunta ng bar? Dude, maghahanap tayo ng chicks mamaya, diba? Diba?!"
"Suus, ikaw makakahanap ng chicks? Seriously?" pang-aasar ko.
"Tulad mo naman ako sa'yo na kung hindi sinasampal eh sinasapak ng mga nililigawan mo noh! Isama mo pa diyan ang bilang ng mga babaeng walkout sa'yo!" pang-aasar nito sabay tawa. Natawa na din si Poncho. Edi sila na masaya!
"Kasalanan ko bang masyadong mababa ang standards ng mga babaeng nakikilala ko?" depensa ko. "I mean, come on! Kung matino ang pag-iisip mo, bakit ka pa tatanggi sa itsura kong 'to?"
Humagalpak sila sa kakatawa.
"Alam mo pare, bilib talaga ako sa tiwala mo sa sarili mo, HAHA!" pang-aasar ni Eduardo, tawa ng tawa.
"Si Flincher ang perfect example ng mottong 'Fake it till you make it!'! Haha!" pang-aasar ni Poncho.
Kinutusan ko silang dalawa. Mas lalo pa silang nang-asar. Biglang nag-ring ang campus bell.
"15 minutes nalang at male-late na tayo!" sabi ko.
"Oh eh ano naman sa'yo? Eh halos lagi ka namang late eh!" sabi ni Eduardo.
"Hindi niyo ba talaga ako tatantanan? Ha?!" iritang turan ko.
"Uyy, napipikon na siya!" pangungulit ni Poncho
Hindi ko nalang sila pinansin, nagmadali nalang akong pumunta sa aming classroom.
****
Napakaboring na nga nang discussion namin ngayon, napakadami pang pinaparesearch nitong professor naming 'to! Alam kong kaya ko naman ang pinapagawa niya (ako pa ba?), hindi ko lang talaga lubos maisip na overload na kami ngayon ng kung anu-anong assignments at projects, eh nagsisimula palang naman ang first sem. Give us a break naman!
"Oy Flincher, punta tayong tatlo ni Eduardo sa library! Gawin na natin tong assignment na 'to. Ayoko namang ito pa ang maging hadlang sa pag-eenjoy natin mamaya noh!" sabi ni Poncho. Sa aming tatlo siya ang pinaka-enjoy na pumunta sa mga bars, siya rin ang pinaka-playboy at 'pa-cool'.
"Ano Flincher? Sasama ka ba o tutunganga ka nalang diyan?" sabi ni Eduardo. Siya namana ng nerd saaming dalawa. Siya yung tipo ng taong mas gustong magbasa kaysa makipag-socialize. Laking gulat ko nga na pumayag siyang sumama sa bar eh. Ang lakas talaga ng persuasion skills ni Poncho. Nagmana saakin. Teka, hindi pala, mas magaling pala ako sakanya. Walang kokontra.
"Oo na, sasama na!" sagot ko.





















No comments